Horoscope | August 06, 2021 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 06, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 6, 2021 (Biyernes): Kung ano ang maganda sa tingin mo, ‘yun ang iyong piliin. Hindi para sa iyo ang payo na huwag piliin ang maganda sa paningin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit wala kang gawin, kapalaran mo ang kikilos para gumanda ang iyong buhay. Kung magkataong may ginawa kang mabuti, lalong gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-16-20-23-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Para sa iyo ang araw na ito. Anuman ang iniisip mo, balewala ito dahil kusang kikilos ang mga pangyayari, kung saan sa huli ay sasabihin mong sa iyo pala ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-24-30-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Pasasayahin ka ng malalapit sa iyo at kapag sumaya ka, magdaratingan sa buhay mo ang magagandang oportunidad kung kailan abot-kamay mo na ang mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-19-21-22-24-33.
CANCER (June 21-July 22) - Nasa todong lakas ang suwerte mo. Makipagsapalaran ka at hindi ka mabibigo. Harapin mo ang mga pagsubok at makakaasa ka na ang pananalo ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-13-16-24-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka nang may tiwala sa sarili. Huwag mong kaliligtaan na nabibigo at napapahamak lamang ang taong walang tiwala sa kanyang sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-tangerine. Tips sa lotto-13-17-20-21-24-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap kalimutan ang pagkakamali ng kapwa. Mahirap man, iyo pa ring kalimutan dahil ang kondisyon para dumapo ang malaking suwerte ay dapat maluwag ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-13-15-33-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka makakatulog at mapapalagay, hindi dahil sa mga suliranin kundi dahil sa magagandang bagay na iyong mararanasan ngayon at sa darating pang mga araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-16-17-31-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumusuko ang langit sa taong mapagpilit. Ngayon, alam mo nang dapat ay maging mapilit ka. Kaya ang payo ay igiit mo pa rin ang mga kagustuhan mo kahit mahirapan ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-11-18-20-24.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa tukso dahil ito ang makasisira ng buhay mo. Hindi totoo ang sinasabing ang tukso ay maghahatid sa iyo ng inspirasyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-5-11-18-21-27.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang sumuko. Ang ayaw nang lumaban ay ibibilang sa talunan at silang mga nagpapatuloy na lumalaban ay hindi puwedeng mapabilang sa mga talunan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-29-30-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ay sobrang nakakaakit ngayon. Sa biglang dinig, ito ay masuwerteng balita pero ito rin ay nagbababala na ang mga wala nang karapatan ay sobra ring maaakit sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-25-27-34-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi nagsisinungaling ang Mahiwagang Salamin sa dingding na nakasabit at ang sabi, nakahihigit ka sa karibal mo at ang dagdag na mensahe, ‘wag kang magalit, sa halip ay dapat kang maawa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-13-26-37-44.




Comments