Horoscope | August 05, 2021 (Huwebes)
- BULGAR
- Aug 5, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 05, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 5, 2021 (Huwebes): Mahigpit mong kalaban ang pag-aalinlangan, kaya hindi ka dapat masingitan ng anumang uri ng alinlangan kahit kailan. Ito ang mensahe ng araw na ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malalaking kita ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran, kaya huwag kang liliko sa kanan, kaliwa at sa iyong likuran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-14-21-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Idilat mo ang iyong mga mata sa maganda at bago mong mundo. Higit kailanman, ngayon ang pinakamagandang pagkakataon upang makatakas ka sa pagkaalipin sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-17-29-36-44-46.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang mga kamay mo ay makikitang nag-uumapaw sa mga biyayang kaloob ng langit. Ibahagi mo sa kapwa ang ilan sa mga ito nang sa gayun ay makapagbigay ka ng saya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-18-20-24-25-33.
CANCER (June 21-July 22) - Pahalagahan mo ang iyong sarili. Maling-mali kapag ang higit mong pinahalagahan ay ang ibang tao. Dahil bago mahalin ang kapwa, ang unang utos ay mahalin muna ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-18-21-27-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dahan-dahan lang, mas maganda ang mabagal kaysa sa mabilis dahil kapag mabagal, nakikita ang mga hindi magagandang puwedeng mangyari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-18-21-28-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtataka ka sa iyong sarili dahil ang mga hindi mo nagawa sa nakaraang mga araw dahil sa kaduwagan ay magagawa mo na ngayon. Dahil dito, aani ka ng maraming paghanga. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-18-22-25-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis mong masasabi ang “Oo”, kahit hindi ka naman sigurado kung payag ka o hindi. Madalas namang ganito ka, kaya lang, ang isa pang madalas, sumasaya ka sa mabilis mong pagpapasya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-15-19-21-24-28.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang manatili sa kalungkutan. Huwag mo ring dayain ang iyong sarili, kung saan binibigyan mo ng katwiran na ang malungkot na buhay ay mas maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-15-26-30-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hanapin mo ang wala sa iyo. Huwag kang tumulad sa marami na kuntento na sa kanilang mga katangian. Dapat ang wala sa iyo, ‘yun mismo ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-13-24-28-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patatatagin pa ng langit ang iyong kabuhayan, pero ito ay mangyayari lamang kapag patuloy kang nabuhay nang nagpapahalaga sa mga nasa iyo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-20-21-27-31-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakasawa ang masarap na buhay na iyong tinatamasa. Huwag kang magugulat kapag hindi sinasadyang ang napili mo ay lungkot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-15-16-20-23.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nilalagyan ang walang laman. Tulad mo ngayon, parang wala namang laman ang imbakan ng iyong mga pangarap, kaya muli kang mangarap. Sa pag-aambisyon, ang tao ay sumasaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-7-11-15-25-33.







Comments