Horoscope | August 04, 2021 (Miyerkules)
- BULGAR
- Aug 4, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 04, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 4, 2021 (Miyerkules): Ituloy mo ang iyong pagsisikap. Ang iba na nagsisikap, walang napapala pero ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na magkakaroon ka ng napakagandang buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdaratingan sa tabi mo ang mga magtatangkang sirain ang iyong diskarte. Huwag kang pumayag at ang mas maganda ay kapag nahalata mo sila, ‘wag mong kausapin at layuan mo agad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-20-24-35-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng gustong dumikit sa iyo. Hindi lahat ng nagsasalita nang mahaba at masarap kausap ay sasamahan ka sa iyong pakikipagsapalaran sa mundong ibabaw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-21-27-40-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang pananahimik kaysa sa pagkikipagtalo. Mas mabilis umasenso ang tahimik na nagsisikap kaysa nagsisikap nga, pero magulo ang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-26-28-30-33.
CANCER (June 21-July 22) - Hayaan at huwag mong hadlangan ang kagustuhan ng isang tao na malapit sa puso mo. Kapag mali siya, tuturuan siya ng kanyang kapalaran ng mga aral sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-19-23-25-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Alisin mo sa iyong buhay ang mga hindi mo kailangan nang sa gayun ay magpasukan sa iyong buhay ang mga bagong bagay at kaibigan na iyong pakikinabangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-14-17-22-25.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa palaaway, mahilig kumontra at palatanong dahil wala kang mapapala sa kanila. Gayundin, masasayang lang ang mahahalagang oras mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-16-20-24-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pilitin mong talunin ang lungkot na mamamahay sa puso mo. Ibalik mo ang dating ikaw na masaya kung saan ‘pag masayahin ka, ang magagandang kapalaran ay dumadapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-14-16-24-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi lang virus ang malakas makahawa ngayon. Sa halip, malakas ding makahawa ang mga taong sira ang kapalaran. Kung may kakilala ka at lalapit sa iyo, lihim mo siyang iwasan. Magkunwari kang may ibang gagawing mahalagang bagay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-15-22-29-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Minsan maganda pa ang nag-iisa dahil bumibilis ang trabaho. Huwag ka nang humingi ng alalay, lalo na sa maaaring makagulo lang sa ginagawa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Msuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-18-25-26-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo makukuha ang gusto mo, pero ang mapasasaiyo ay higit na ikatutuwa mo. Sasabihin mong, “Langit pala ang higit na nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao.” Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-11-13-24-32-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Babagal ang pag-unlad ng buhay mo kung hahayaan mong makialam sa iyong diskarte ang nagkukunwari lang na may alam. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-20-23-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong hayaan na lumitaw ang pagkarebelde mo. Mas masarap mabuhay nang tahimik at payapa kaysa sa laging mainit ang ulo mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-20-24-25-44-46.







Comments