top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Horoscope | Agosto 9, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 9, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 9, 2026 (Linggo): Simula sa araw na ikaw ay isinilang, kakambal mo na ang panalo. Kaya inaasahan na sa araw na ito, anumang laban mo sa buhay ay tiyak na mananalo ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na iyong pinakahinihintay. Aalalayan ka ng langit, kaya ang mga karibal at kaaway mo ay hindi mananaig. Bagkus, walang alinlangan na ikaw ang magwawagi. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-17-22-24-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ng langit ng sapat na tapang upang masimulan mo na ang matagal mo nang pinapangarap. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-11-19-21-27-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Mapapalaban ka ngayon lalo na kung papatulan mo ang mahihina ang ulo at mababaw mag-isip. Mas mabuting umiwas ka na lang dahil wala ka rin namang mapapala sa kanila. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-14-26-33-37-40.


CANCER (June 21-July 22) - Muli, kung sino ang ayaw mo, siya ang ilalapit sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-11-15-23-38-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magsasalita ka na parang may awtoridad. Kahit ikaw sa sarili mo ay mahahalata mong mabigat ang mga pananalita mo. Gayunman, huwag mag-alala, dahil makabubuti ito para sa lahat. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-16-20-32-37-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakapagtataka ang iyong kapalaran ngayon, dahil makakakuha ka ng kakaibang lakas mula sa iyong mga kaaway at sa mga taong naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-25-28-30-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpauto sa mga magagandang salita. Mag-isip ka munang mabuti bago ka tuluyang magpabola. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-21-27-31-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pag-aralan mo kung paano ka kikilos upang maibalik ang dati mong buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-13-15-23-31-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Manatili kang positibo sa kabila ng mga pangyayaring parang hindi pumapabor sa iyo. Sa huli, mauunawaan mo na inaayos na pala ng langit ang lahat upang mas gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-22-31-34-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Humihina ang malakas at ang mahina ay lumalakas. Ito ay isang batas ng buhay na iyong mararanasan sa ngayon: ikaw na mahina ay lalakas kaysa sa iyong mga kaaway. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-21-36-38-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malamig na ang simoy ng hangin, pero hindi ito ang dahilan ng panlalamig ng iyong buhay dahil ang tunay na sanhi ay ang nadarama mong lungkot sa pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-24-28-30-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na makakabangon ka na sa mga pagsubok. Tatagan mo ang iyong loob dahil ang premyo at gantimpala ay darating lamang sa iyo matapos kang subukin. Tandaan mo, ang taong buo ang loob, ang yaman ay lubos! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-23-27-29-37-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page