Horoscope | Agosto 9, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 9, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 9, 2023 (Miyerkules): Tiyak ang iyong pagyaman. Ang iba pang bagay na pangarap mo ay matutupad din. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong palagpasin ang mga araw na ito dahil ngayon papabor sa iyo ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-24-30-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magplano ka upang ‘di ka mabigo. Ang mga taong walang plano sa buhay, pandalian kaligayahan lang ang nararanasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-12-14-27-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo ang pagtutok sa iyong pangkabuhayang aspeto dahil dito ka susuwertehin. Kapag sa ibang bagay napunta ang iyong ideya, t’yak na hindi ka makikinabang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-13-30-35-38.
CANCER (June 21-July 22) - Hayaan mo lang ang mga kontrabida sa buhay mo. Kailangan mo rin sila dahil kung walang sasalungat sa mga kapritso mo, hindi mo makikilala ng lubusan ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-20-25-32-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung hindi mo gusto ang nangyayari sa buhay mo sa langit ka umapela. Ito ay para muling umikot ang gulong ng iyong kapalaran nang sa gayun ay maituwid mo ang mga pagkakamali sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-22-27-30-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Asikasuhin mo kung paano ka mas kikita ng malaki. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-20-24-31-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipakita mong buo ang iyong loob. Huwag mong ipakita ang pag-aalinlangan, upang hindi makaporma ang mga taong inggit na inggit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-13-29-30-38-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong palitan ang iyong ambisyon, ang nararanasan mo ngayon ang nagpapahiwatig na bago mo makuha ang isang mahalagang bagay kailangan mo munang dumaan sa hirap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-23-36-39-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bago ka magkaroon, manggagaling ka muna sa wala. Ito ngayon ang iyong dapat na paniwalaan. Dahil ito ang lihim ng tagumpay na kailangan mong maunawaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-17-22-33-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kinakabahan ka na naman at mukhang hindi mo itutuloy ang matagal mo nang gustong yumaman. Mawawala ang kaba mo kapag nagawa mo ang unang hakbang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-15-18-20-24-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kikilos ka na parang hindi ka nag-isip. Ano kaya ang magiging resulta? Ayon sa iyong kapalaran, mas mabuting kumilos ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-21-27-31-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sindakin mo ang iyong mga kaaway dahil hindi nila alam kung ano talaga ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-19-29-30-36-41.




Comments