Horoscope | Agosto 8, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- Aug 8
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 8, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 8, 2026 (Sabado): Ginagarantiya ng iyong kapalaran na ikaw ay magiging mayaman. Kaya hindi masasayang ang lahat ng iyong pagsisikap at paghihirap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lihim kang inaalalayan ng langit upang makamit ang malalaki mong ambisyon sa buhay. Kaya walang dahilan para hindi ka yumaman. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-17-20-23-31-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Daraan ka ngayon sa mga pagsubok upang lalo kang maging matatag at malakas. Sa huli, malalampasan mo ang lahat, at hindi masasayang ang malalaking suwerteng inilaan sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-13-21-30-37-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung aaminin mo, kulang ka sa pagiging seryoso. Isa pa, pabagu-bago ka rin ng isip. Ang kailangan mo ay manatiling nakatuon sa iyong mga layunin upang makamit mo ang tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-14-25-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Pag-aralan mo kung paano makontrol ang iyong emosyon. Ang taong kayang kontrolin ang kanyang sarili ay kayang pamahalaan ang sariling buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-16-18-23-26-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bakit ka umaasa sa iba? Sa langit ka umasa at kumapit, dahil tiyak na hindi ka nito bibiguin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-22-28-33-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Labanan mo ang lungkot, gayundin ang inis at galit sa taong nagkamali sa iyo. Kapag positibo ang iyong isipan, mas magiging maganda ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-18-24-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tukso lamang ang biglaang pagnanais na magpalit ng hanapbuhay. Kaya ihanda mo ang iyong sarili at ang iyong kinabukasan bago maghanap ng panibagong pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-21-22-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sapat na ang iyong talino at ang mga aral na natutunan mula sa iyong mga karanasan upang mapaganda ang iyong buhay. Huwag kang matakot sa mga biglaang pagbabago ng takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-17-29-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sasama lamang ang loob mo lalo na kung aasa ka sa tulong ng iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-25-30-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malalaking suwerte ang naghihintay sa landas na iyong tinatahak, kaya huwag kang hihinto anumang pagsubok ang maranasan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-24-26-31-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aakalain mong hindi pumapabor sa iyo ang mga pangyayari. Marami na ang nag-iisip ng ganyan, ngunit sa huli ay nagtatalon sila sa tuwa dahil natupad din ang kanilang mga pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-12-23-31-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi biro ang magtanim at maghapong nakayuko sa bukid. Ngunit ngayon, bibigyan ka ng pagkakataong magkaroon ng sariling hanapbuhay. Sunggaban mo agad ang oportunidad na ito, dahil ito na ang pagkakataon mong yumaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-23-29-33-40.



Comments