top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Horoscope | Agosto 7, 2026 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 7, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 7, 2026 (Biyernes): Sobrang yaman ng iyong kaisipan. Kaya iwasan mong lumikha ng mga negatibong bagay. Sa halip, ituon mo ang espesyal mong katangian sa pagpapayaman ng iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang tamang araw upang buuin ang iyong mga plano para sa ikagaganda ng iyong buhay, at ngayon din ang tamang panahon upang baguhin ang mga nauna mong plano. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-15-20-34-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahina ngayon ang pangdepensa mo laban sa mga mahuhusay magsalita na may hindi magandang motibo. Ang payo ay huwag mo silang bigyang halaga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-27-30-32-36-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Malakas ang tsansa na maging mapag-imbento ka, hindi ng mga bagay kundi ng mga kuwento. Gayunman, marami ang matutuwa at sasaya dahil sa kakaiba mong mga kuwento. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-25-29-33-41.


CANCER (June 21-July 22) - Muli kang dadalawin ng suwerte. Kaya huwag mo nang ulitin ang nakaraan, kung saan maraming oportunidad ang iyong pinalampas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-28-30-34-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang araw na ito na maaaring lumabis ang kumpiyansa mo sa iyong sarili hanggang sa isipin mong kontrolado mo na ang lahat ng nangyayari sa iyong buhay. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-19-21-26-33.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Inaayos na ng iyong kapalaran ang mga bagay na hindi mo kayang ayusin. Gaya ng dati, ang mga pagkakamali mong paulit-ulit na nangyayari ay kusa ring maaayos sa tamang panahon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-13-22-30-38-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Walang katiyakan ang pakikipagsapalaran sa pag-ibig. Kaya gawin mo na lahat ng iyong makakaya, gayunman maging handa ka pa rin sa anumang ibibigay sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-21-26-32-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mapapansin mong tila may sarili kang mundong ginagalawan. Dito ka pansamantalang makakahanap ng saya at kapayapaan. Sa ngayon, wala pa namang makahahadlang sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-20-29-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ihanda mo ang iyong sarili dahil paparating na ang magagandang oportunidad na tugmang-tugma sa iyong mga ambisyon at pangarap. Mas magiging maganda ang resulta kung pananatilihin mong positibo ang iyong pananaw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-15-27-37-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malayo ang iyong isip sa tunay na nangyayari. Mas mabuting tanggapin mo ang reyalidad. Sa ganitong paraan, mabubuhay ka nang payapa at mapapanatag ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-21-27-34-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali kang mapapaniwala sa ngayon. Iyan ang iyong kahinaan dahil madaling tumalab sa iyo ang magagandang salita. Kaya kilalanin mo munang mabuti ang mga taong makakausap mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-24-26-35-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon! Sino naman ang mamalasin? Walang iba kundi ang mga kontrabida sa iyong buhay—ang mga taong walang ibang hangarin kundi makita kang mabigo at mapahamak. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-25-28-32-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page