Horoscope | Agosto 6, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- Aug 6
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 6, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 6, 2026 (Huwebes): Pansamantala lamang ang pagdating ng hindi magagandang kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kaarawan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magkakatotoo na ngayon ang mga iniisip mo, at lahat ng mga plano mo noong nagdaang taon ay isa-isa nang magkakatotoo at matutupad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-14-22-34-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagkatapos ng paghihirap, mabilis mong maisasagawa ang mga plano mo. Bilisan mo upang mabawi mo ang mga nawalang araw sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-12-18-21-24-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Tinatalo ka ng sobrang pagkainip. Iwasan mong mauwi ang iyong pagkainip sa pagkabagot dahil kapag nagkaganu’n, mawawala ka sa tamang wisyo at tamang diskarte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-23-28-31-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kumapit ka sa pagiging matiisin mo. Sa katunayan, marami ka nang pinagdaanang hirap at pagtitiis, kaya ang kasalukuyang pagsubok ay malalampasan mo rin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-20-26-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - May ipinapagawa sa iyo ang nasa itaas. Ito ay ang patuloy kang tumulong sa kapwa, kahit parang nagsasawa ka na. Nakamasid sa iyo ang langit. Muli, ang gantimpala mo ay magiging mas malaki at mas marami kaysa sa mga biyayang natanggap mo noon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-14-19-28-37-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malaya ang isip mo, ngunit ang katawan mo ay kapos sa kalayaan. Ang malaya mong kaisipan ay mapapakinabangan mo sa pamamagitan ng magagandang ideya na mabubuo mo sa panahong ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-23-27-31-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na kapag pinairal mo ang damdamin, emosyon, at pagmamahal, bigla kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-20-24-39-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Itakwil mo ang galit at sama ng loob sa sarili mong pamilya at kadugo. Kapag nagawa mo iyon, gagaan ang iyong pakiramdam. At kapag magaan na ang iyong pakiramdam, kasunod nito ang sari-saring suwerte na darating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-25-29-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ka, pero lalo kang lalakas kapag ang iyong mga kakayahan ay inihalo mo sa kakayahan ng iba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-9-16-22-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumaban ka! Ang buhay sa mundo ay isang pakikipaglaban. Ang mga taong ayaw lumaban ay napapabilang sa mga talunan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-26-31-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa at masayang balita ang naghihintay para sa iyo. May mga suwerteng naghihintay sa iyo sa labas ng bahay. Kaya pagkakataon mo na upang muling gumimik at gumora. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-17-23-29-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag walang gaanong aktibidad ang isang tao, dapat niyang samantalahin ang pagkakataong balikan ang kanyang nakaraan. Sa muling pagbabalik at pagtatama ng mga pagkakamali, tiyak na magtatagumpay na siya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-16-28-34-42.



Comments