top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Agosto 6, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 6, 2023


Sa may kaarawan ngayong Agosto 6, 2023 (Linggo): Papaganda nang papaganda ang takbo ng iyong kapalaran ngayon. Ang katuparan sa mga pangarap mo ay mapapasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang sumalungat sa agos ng iyong kapalaran upang hindi ka masaktan at mabigo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-16-20-23-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyo ang araw na ito at ang mga darating pang araw ay para pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-18-23-28-30-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi papaatras ang takbo ng iyong buhay. Pansamantala itong hininto upang maging handa ka sa pagbabalik ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-16-29-303-3-36.

CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na papabor sa iyo ang kapalaran, at ngayon din ibibigay sa iyo ang malaking tagumpay at kagalakan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-17-21-25-27-32. LEO (July 23-Aug. 22) - Papalakas nang papalakas ang iyong gayuma. Mapapansin mo ito dahil marami ang nagpaparamdam sa iyo at marami ring naghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-22-28-31-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpapalit ng plano. Kahit pa sa biglang tingin ay ‘di pabor sa iyo ang mga nagaganap. Hindi rin magtatagal ang mga ito ay tutugma rin sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-15-26-33-38. LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka masaya, ro’n ka! Kahit sino naman ay hindi gugustuhing malungkot. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-12-25-30-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili. Magsaya at maglibang ka. Mamasyal at kumain ka ng masasarap na pagkain. Ang bukas ay darating palang, ang mahalaga ngayon ay masaya ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-18-24-25-34. SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makibahagi ka sa karamihan na naghahanda kung paano pasasayahin ang kanilang mga kapwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-15-16-20-21-23. CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang mga taong walang hinahangad kundi ang tumanggap nang tumanggap ng blessings ay hindi gaganda ang buhay. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-18-21-24-26. AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masarap mabuhay sa piling ng mga kaibigang masayahin, lumayo ka sa mga kaibigan mong malulungkot, dahil tiyak na ma-a-absorb mo ang kanilang negative energy. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-16-29-30-31-33. PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng nagpapakita sa iyo. Sa ganitong paraan hindi ka magsisisi. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-16-22-25-32-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page