Horoscope | Agosto 5, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 14 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 5, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 5, 2026 (Miyerkules): Bilis at tapang ang magdadala sa iyo sa tagumpay. Kaya hindi puwedeng makasingit sa iyo ang kahit kaunting pag-aalinlangan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka puwedeng matagalan sa pagpapasya. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-19-26-28-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na kakampihan ka ng langit. Anumang bagay ang balakin at iplano mo ay tiyak na mangyayari at matutupad. Kaya wala kang dapat gawin ngayon kundi ang magplano at kumilos, dahil tiyak ang iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-15-21-25-27-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi kumukupas ang talas ng iyong isip. Ang inaakala mong pagkawala nito ay dulot lamang ng pagiging emosyonal. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-9-14-18-22-31-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kung nasaan ang masasayang nilalang, doon ka pumunta. Lumayo ka sa mga paladaing at reklamador, dahil kung sino ang madalas mong makasama ngayon, sa kanila rin matutulad ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-20-32-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap mang tanggapin, kailangan mong paniwalaan na ang lahat ay pantay-pantay. Sa ganitong paraan, lalo kang hahangaan at kikilalanin sa lipunang iyong ginagalawan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-24-29-36-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iyo na ang araw na ito. Sinumang magtangkang biguin ka ay pananagutin ng langit. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-17-23-30-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magbalik-tanaw ka sa kuwento ng gamu-gamo na nasunog ang pakpak dahil naakit sa apoy. Kaya ang mga tukso o pang-akit na nasa harapan mo ngayon ay huwag mong pansinin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-13-22-32-38-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang natututo araw-araw, dahil ang mundo mismo ay isang malaking paaralan kung saan patuloy na natututo ang mga taong gustong umasenso sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-15-25-29-31-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbababala ang araw na ito na maraming tukso ang nasa harapan mo. Ngunit ipinahihiwatig din nito na poprotektahan ka ng matinding hangarin mong ayusin ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-16-19-27-34-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpapatangay sa emosyon, dahil minsan ka nang nasaktan nang hindi mo sinunod ang payo ng iyong isip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-15-20-26-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka, dahil ang araw na ito ay araw ng kasiyahan. Huwag kang mag-alala, dahil ang saya ang magsisilbing sasakyang magdadala sa iyo tungo sa isang maunlad at masayang buhay na magsisimula na ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-25-31-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang papabihag. Mas masarap mabuhay nang malaya kaysa maging alipin ng anumang bagay sa mundo. Tandaan, ang tunay na kaligayahan ay bunga ng kalayaan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-10-13-28-36-43.



Comments