Horoscope | Agosto 5, 2023 (Sabado)
- BULGAR
- Aug 5, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 5, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 5, 2023 (Sabado): Mabilisang pagkilos ang susi upang makamit mo ang iyong pinapangarap. Kapag mabilis kang magpasya at kumilos, magiging mabilis din ang iyong pagyaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alala kapag bigla kang kumilos na para bang hindi ka gaanong nakapag-isip ng mabuti. Sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-23-30-36-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Paglilinis ng silid ang dapat mong gawin, dahil ito ang magsisilbi mong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-21-24-25-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Malaki ang tsansa mong manalo sa anumang uri ng pakikipagsapalaran kapag masaya ka. Kaya magsaya ka ngayon upang mapabilis din ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-27-30-32-34.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang matakot kapag tumataba ka ngayong panahong ito. Ito rin ay nagsasabing tataba rin ang bulsa at kabang yaman mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-20-2128-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Palagi mong linisin ang iyong alahas lalo na kung ikaw ay aalis dahil ang ginto ang isa sa pinakamabisa mong pampasuwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-21-26-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maglagay ka ng kahit palayok sa inyong bahay. Paminsan-minsan hawakan mo ito, puwede mo rin itong lagyan ng pera para pampasuwerte sa iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-25-30-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Susuwertehin ka ngayong taon kapag ang mga pisngi mo ay madalas na dapuan ng sariwang hangin. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-21-24-28-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag nagawa mong kontrolin ang iyong emosyon, maglalapitan sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-21-26-31-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi man gaanong kagandahan at hindi katanggap-tanggap sa iba, maghangad ka pa rin para sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-25-30-23-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lahat ay gustong buwenasin lalo na ngayong panahon. Ang pampasuwerte mo ay ang paglalakad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-15-19-22-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaiba ang susi mo para buwenasin ka sa ngayong panahong ito ng tag-ulan. Dapat na ang makasama mo ay ang palakuwento kahit na walang katotohanan ang kanilang sinasabi. Masuwerteng kulay-lavander. Tips sa lotto-3-17-20-25-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gusto mo bang matupad ang iyong malaking pangarap? Hintayin mo ang muling pagdaan ng malakas na bagyo at habang dumadaan ang malakas na bagyo, ibulong mo ang iyong mga pangarap at makikita mo ito ay agad-agad na matutupad. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-16-29-30-31-34-39.




Comments