top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Agosto 4, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 4, 2023


Sa may kaarawan ngayon Agosto 4, 2023 (Biyernes): Masuwerte ka kaya lang kadalasan ang mga suwerte mo ay napupunta sa iyong pinaglilingkuran. Kung gagamitin mo ito sa iyong sarili, tiyak na yayaman ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pilitin intindihin ang mga taong mahirap unawain. Hindi mo obligasyon na ipaliwanag sa kanila ang iyong ginagawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-21-24-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bakit ka magpapatulong kung ikaw din naman ay sesermunan? Mas magandang gawin mong mag-isa ang mga gusto mong gawin upang hindi sumama ang iyong loob. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-17-29-30-32-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo maaasahan ang ilang mga kaibigan mo dahil sila mismo ay umaasa lang din sa iyo. Sila pa itong mga pabigat at hindi marunong magpasalamat sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-26-31-36-40-44.

CANCER (June 21-July 22) - Walang karapatan ang sinuman na ikaw ay husgahan. Dahil lahat naman tayo may pagkakamali at ang iba pa nga ay mas malaki pa ang nagawang kasalanan kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-27-29-31-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pipiliin mo ang nag-iisa o walang kasama. Dahil ngayon mo mararamdaman na ang mga tao sa paligid mo ay halos mga mapagsamantala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-15-26-32-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sasama ang iyong loob sa taong malapit sa puso mo, pero ‘di mo aakalaing sa kanya pala nagmumula ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-21-27-36-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtagal na nakaharap sa kausap mo. Dahil sa ‘di sinasadyang pagkakataon malalaman niya pinakatatagu-tago mong sikrekto at siya pa mismo ang magkukuwento sa iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-8-14-25-36-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Totoo pala na iba ang nagsaing at iba rin ang kumain. At ang nasa huli ay biglang nauuna, kaya lihim kang matatawa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-28-31-36-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong isali sa iyong proyekto ang kilala mong mahirap pakisamahan. Pumili ka ng mabibilis kumilos at mga masunurin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-17-21-29-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakagulat dahil sa iyong mga kahinaan at kapintasan magmumula ang iyong mga suwerte sa buhay. Mahirap paniwalaan pero ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-25-33-41-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maliliit pero sobrang dami ng dumarating na suwerte sa buhay mo. Kapag pinagsama-sama ito mas malaki pa sa isang bundok. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-14-17-22-24-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka paaawat? Ito ang simula upang tuluy-tuloy kang suwertehin at magtagumpay, ang mahalaga ngayon ay ‘wag kang susuko at magpatuloy ka lang nang magpatuloy. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-27-30-31-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page