top of page

Horoscope | Agosto 31, 2025 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 31, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 31, 2025 (Linggo): Susuwertehin ang mga taong didikit sa iyo. May magsasabing sila ay sinuwerte dahil sa iyo at meron ding magsasabi na ganu’n talaga ang kapalaran nila. Gayunpaman, masuwerte ka talaga.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - ‘Wag mong pansinin ang mga negatibong opinyon na naririnig mo dahil makakasira lang ito ng diskarte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-9-19-23-31-43 

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tumingin ka kahit saglit sa kalangitan. Sa ganitong paraan, ang mga suwerte mo ay magdaratingan na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-10-18-28-33-34.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kung maiinis ka lang sa mga maririnig at makakasama mo, mas maganda na gawin mong mag-isa ang gusto mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-23-26-30-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Mababa ang luha mo ngayon. Kaya lumayo ka muna sa mga taong mapanakit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-15-29-34-40 

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Muli ipinaalala sa iyo na lihim kang ngumiti kapag may mga taong gusto kang mabigo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-9-16-20-25-39 

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka puwedeng makipagtalo ngayon. Kapag ‘di mo nadungisan ang imahe mo, hindi rin masasayang ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-8-13-15-31-42,

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong damit, dahil ito mismo ang magsisilbi mong pampasuwerte at panlaban sa mga negatibong puwersa sa paligid. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-11-14-16-24.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Humugot ka ng lakas sa mga napagtagumpayan mo na, dahil ang mga ito mismo ang susi para mas gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-7-18-29-34-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itataas ka ng kapalaran mo kapag nanatiling buhay ang ningas ng iyong pangarap. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-14-22-27-33-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon, dahil maiinis ka sa mahal mo, pero ‘di mo alam na may hatid din pala silang suwerte para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-12-13-26-31-39

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakagulat ang iyong kapalaran. Matutukso kang mamasyal ngayon, at ito ay magbubunga ng magandang kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-20-27-38-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang payo ng iyong kapalaran. Magsuot ka ng sapin sa paa, dahil ito mismo ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-13-21-29-35-40.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page