top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Horoscope | Agosto 31, 2023 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 31, 2023


Sa may kaarawan ngayong Agosto 31, 2023 (Huwebes): Unahin mong payamanin ang iyong sarili kaysa sa ibang tao, dahil gagamitin ka lang nila upang sila’y umunlad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahihirapan kang unawain ang mga malalapit sa iyo. Mas makabubuting dumistansya ka muna sa kanila. Ang isip na hindi payapa ay sagabal sa pag-asenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-21-23-28-33-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang mahabang panahon ng pagsasama kahit na madalas ay mayroong ‘di pagkakaunawaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-26-31-36-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka mag-isa, hindi mo sila kailangan. Kapag hindi ka nakinig sa payo, masusumpungan mo ang iyong sarili na napapaaway dahil sa mga taong nasa tabi mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-17-20-26-38-43.

CANCER (June 21-July 22) - Sisikip ang mundo mo dahil sa mga taong malalapit sa iyo. Ito ang mangyayari kapag patuloy kang umasa na makakatulong sila sa mga gusto mong gawin sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-18-25-33-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo lang at lihim kang ngumiti kapag nakakaporma ang iyong mga kaaway, dahil hindi rin magtatagal sila rin ay magsisibagsak. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-14-26-31-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ang kakaibang talas ng iyong isip upang ‘di ka mabigo. Tiyak na ngayon mo mapapasakamay ang mga hinahangad at pinapangarap mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-25-30-37-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makipag-ugnayan ka sa mga dati mong kaibigan, sila ang naatasan ng langit upang ituro sa iyo ang landas ng buhay na kung saan mapapasaiyo ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-22-26-39-40-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bago mo baguhin ang iyong plano, sumangguni ka muna sa mga taong may alam. Sa ganitong paraan, hindi mo mararanasan ang hirap na kanilang pagdaanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-21-27-35-38-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka nahihirapan, ‘yun ang iyong piliin. Huwag kang tumulad sa iba na ang pinili ang madaling paraan pero sa bandang huli sila rin ay nagsisi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-21-29-38-42-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sa iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-28-31-35-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong mangyari ang mga kaganapan, huwag kang sumalungat at umangal. Kailangang maganap ang lahat para mabigyang daan ang iyong mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-13-25-37-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nanatiling matibay ang puno kahit na may dumaan pang malakas na hampas ng hangin. Pinatitibay at pinatatag ka ng langit nang sa gayun ay mapasaiyo pa rin ang tagumpay at huling halakhak. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-18-21-26-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page