top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Agosto 30, 2023 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 30, 2023


Sa may kaarawan ngayong Agosto 30, 2023 (Miyerkules); Unahin mo ang iyong pangarap kaysa sa pangarap ng ibang tao. Ito ang iyong isabuhay nang sa gayun ay ‘di ka mabigo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ihanda ang iyong sarili sa mga oportunidad na darating, dahil kung hindi ka nakahanda, masasayang lang ang lahat ng iyong pinaghirapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-24-30-34-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pag-ibig ang bubuhay sa iyo, kaya naman ang langit mismo ang magbibigay sa iyo ng bagong pag-ibig. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-19-24-39-34-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Magpapalit ang kalendaryo ngayon, at ikaw ay magpapalit din ng mga priyoridad sa buhay. Iwasan mong mapalitan ang mga bagay na pinakikinabangan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-24-28-37-44.

CANCER (June 21-July 22) - Doble ang mga suwerte na darating sa iyo. Sa katunayan, buong taon kang magiging masaya. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-11-20-26-39-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nagpasya na ang langit na sa susunod na mga araw ang landas ng iyong buhay ay makikitang malinis at walang mga balakid. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-20-29-36-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bantayan mo ang iyong sarili sa paglustay sa mga bagay na wala namang kuwenta, dahil sa totoo lang, ito ang numero uno mong kahinaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-17-22-31-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umiwas ka sa mga gawaing nakakasira sa iyong kalusugan at katawan, mas magandang panatilihin mo ang iyong ganda at lakas upang umunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-7-20-26-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong itago ang iyong tapang at lakas ng loob. Ngayon mo ito ipakita na para bang may himala sa iyong buhay dahil ngayon din darating ang inaasam-asam mo na pagyaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-21-29-33-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kinakabahan ka, alam mong matayog ang iyong pangarap. Magkagayunman, habang lumalakad ang mga araw ang kaba mo ay unti-unti ring mawawala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-20-23-35-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka matitinag, mananatili kang matatag sa mga pagsubok na darating sa iyong buhay. Sa katunayan, kusang lalayo sa iyo ang mga pagsubok sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-26-30-37-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tatangayin ng hangin ang mga problema mo. Ibig sabihin, sa buwan ng Setyembre ang mga mabibigat mong pasanin ay maglalahong parang bula. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-29-35-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palaisipan ang magaganap sa buhay mo, dahil may darating na masalimuot na pangyayari, pero ‘wag kang mag-alala dahil na saiyo pa rin ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-15-18-21-28-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page