top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NAUNTOG NA PARA LANG SA MALAKAS ANG LOOB ANG PULITIKA SA ‘PINAS-FB

Horoscope | Agosto 3, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 3, 2026



Horoscope



Sa may kaarawan ngayong Agosto 3, 2026 (Lunes): Marami ang pagpapalang mapapasaiyo. Kaya ‘wag mong kalimutang magpasalamat sa langit, at ipagpatuloy mo ang pagkakawanggawa, lalo na sa mga mahihirap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pumantay ka sa mga pangkaraniwang tao para makakuha ka ng magagandang ideya mula sa kanila na maaari mong mapakinabangan sa iyong negosyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-21-29-36-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lalakas ngayon ang iyong loob. Gayunman, huwag mong hayaang humina ang iyong tapang, dahil ang tagumpay ay katumbas din ng iyong lakas ng loob. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-20-25-32-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Bilis ang pormula mo ngayon upang magtagumpay. Anuman ang gawin mo, bilisan mo at siguraduhin mong magwawagi ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-14-24-26-30-33.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang panahong pinapayagan ka ng langit na emosyon o damdamin ang gamitin mo sa pagdedesisyon. Kapag ito ang ginawa mo, mapapasaiyo ang tagumpay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-19-28-35-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magpahiram ka ng lakas ng loob sa kakilala mong pinanghihinaan. Mahalaga na maging matapang siya, dahil kapag naging matapang siya, hindi na siya aasa sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-23-25-31-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong i-perfect ang lahat ng bagay dahil iyan ang dahilan kung bakit hindi ka natatapos. Hayaan mong may kaunting pagkukulang, dahil ang mas mahalaga ngayon ay matapos mo ang iyong ginagawa upang sa halip na mainis, matuwa sila sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-22-28-35-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang kakaibang lakas ng iyong karisma na, sa totoo lang, ay parang isang malakas na gayuma. Ang mga gusto mo ay tiyak na mapapasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-9-20-29-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hinahon at hindi galit ang dapat mong pairalin ngayon. Kapag patuloy kang nainis at nagalit, maiinis at magagalit din sa iyo ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-24-26-32-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Kaya sinumang kumontra sa iyo, langit mismo ang makakalaban. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-19-28-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka mabibigo ngayon, lalo na kung ipagpapatuloy mo ang matagal mo nang plano na may kaugnayan sa pagpapatatag ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-21-28-30-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paikut-ikot lamang ang hangin; ang lugar na minsan nitong narating ay muli nitong babalikan. Ibig sabihin, babalik sa iyo ang isang taong minsan mo nang minahal. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-22-25-27-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dikitan mo pa nang dikitan ang taong minsang nagbigay sa iyo ng suwerte, dahil ayon sa iyong kapalaran, muli siyang magiging daan upang mas marami ka pang suwerteng matanggap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-29-33-38-43.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page