Horoscope | Agosto 3, 2025 (Linggo)
- BULGAR
- 9 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 3, 2025

Sa may kaarawan ngayong Agosto 3, 2025 (Linggo): Hawak mo ang kapalaran mo. Kaya ‘wag mong sayangin ang pribilehiyong meron ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tama ka! Malayo sa iyo ang mga pangkaraniwang nilalang. Pero ito man ay totoo, mas mabuting pumantay ka sa kanila nang sa gayun ay sumaya at lumigaya ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-24-31-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bantayan mo ngayon ang mga taong may masamang motibo sa iyo. At ang isa pang payo para sa iyo ay mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-18-21-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang maniwala sa sabi-sabi. May kakayahan kang malaman kung ano ang totoo, at gamitin mo ngayon ang iyong talino. Kapag ganyan ka, mas madaling dadapo sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-19-25-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Matiyagang nag-aabang ng tamang pagkakataon ang mga taong may masamang balak. Pero kung alisto ka, masasayang lang ang oras nila sa kahihintay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-25-30-33-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung gusto mo pang madagdagan ang mga biyayang iyong tinatamasa, ibahagi mo sa iba ang mga hindi mo na kailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-13-18-22-39-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap paniwalaan, pero isang katotohanan na ang mga taong ayaw nang ayaw, sila pa pala itong may gusto. Sino siya? Sino pa nga ba, eh ‘di ikaw, ikaw na nagkukunwaring ayaw, pero gusto mo rin naman! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-24-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilalapit muli sa iyo ng iyong kapalaran ang taong magbibigay sa iyo ng masarap na buhay. Kaya ‘wag mo na uli siyang tanggihan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-21-27-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong kaligtaang pansinin ang mga taong nagpapapansin. Ito ay para hindi na maulit pa ang tampuhan na umabot sa sobrang maraming mga araw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-22-31-38-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na mas malalaking suwerte ang nag-aabang sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-19-21-33-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kagulat-gulat ang iyong kapalaran sa mga araw na ito. At ngayon na rin aangat ang buhay mo, na kung saan ay mas dadami ang makakakilala sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-20-26-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon mo maaakit ang taong mailap at galit sa iyo, pero matutuklasan mong siya pala ay isang maamo at punumpuno ng wagas na pagmamahal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-16-25-38-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pilit ka nilang pababagsakin, pero ‘wag kang mag-alala, dahil ‘di rin naman sila magtatagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-15-29-38-43.
コメント