Horoscope | Agosto 3, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 3, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 3, 2023 (Huwebes): Ito ang araw na inilaan sa iyo ng langit bago ka pa isilang, kaya sa ayaw at sa gusto mo, magsisimula na dumating sa buhay mo ang mga suwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Papaangat ang iyong kabuhayan kahit pa makaranas ka ng pag-atras, aangat pa rin ito nang aangat. Ang ganitong agos ng buhay ay pahiwatig ng pagkakaroon ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-24-39-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aalalayan ka ng mas mataas ang kalagayan sa iyo. Alisin mo ang pagiging mahiyain. Ang katuparan ng pangarap ay hindi nakukuha sa pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-21-25-32-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Makipagkuwentuhan ka sa taong may alam. Mula sa kanya ay may makukuha kang magandang ideya na magagamit mo para lalo kang umasenso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-25-29-35-45.
CANCER (June 21-July 22) - Tanggapin mo na may mga kahinaan ka. Ang pagkilala sa sarili ay unang hakbang para sa pagpapaganda ng kalagayan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-25-38-44-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Labanan mo ang iyong katamaran. Ang katamaran ang tunay na dahilan kung bakit nababawasan ang iyong itinatabi para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-20-21-24-26.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang magbibigay sa iyo ng malaking yaman. Bago ka kumilos, paganahin mo muna ang iyong isip. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-3-18-26-28-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malaki ang magiging pakinabangan mo sa mga taong handa kang bigyan ng masarap na buhay. Huwag mo itong tanggihan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-30-33-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bumuo ka ng plano. Ang magandang buhay ay hindi nakukuha sa tsamba lang. Ang mga taong walang plano sa buhay ay parang dahon na tinatangay lang ng hangin kung saan-saan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-24-29-31-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw na darating ay para pa rin sa iyo. Ngayon mo isagawa ang mga ‘di mo nagawa sa nagdaan dahil ikaw ay nag-alinlangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-16-25-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Uutusan ka nila at kahit labag ito sa iyong kalooban susundin mo pa rin sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-21-28-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag na huwag kang mag-aalinlangan ngayon. Bilisan mo ang iyong pagkilos upang ‘di masira ang iyong araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-22-25-27-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli mong subukan gawin ang hindi mo pa nagawa noon dahil napangunahan ka ng karuwagan. Ang karuwagan sa mga araw na ito ay maglalaho sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-23-33-38-40.




Comments