Horoscope | Agosto 29, 2023 (Martes)
- BULGAR
- Aug 29, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 29, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 29, 2023 (Martes): Tunay ang iyong kalooban lalo na sa paggawa ng kabutihan para sa iyong kapwa. Kaya naman ang mga biyaya at pagpapala ay mamamalagi sa iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ng awa. Isabuhay mo ang pag-iingat habang tumutulong ka sa iyong mga kinakaawaan, anumang oras sa mga araw na ito. Muli, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-27-33-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ihanda mo ang iyong sarili sa panibagong suwerte na darating. Mas madaming suwerte ang darating sa iyo ngayon kaysa sa mga nagdaang araw. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-12-17-21-24-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Magagandang salita ang susi sa pagkakaunawaan. Natutunaw ng matatamis na salita ang galit. Sa pakikipag-usap, ‘pag nagpakatotoo ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-14-18-23-30-41.
CANCER (June 21-July 22) - Paunlarin mo ang abilidad mo sa masining na pagsulat. Noon pa man ay taglay muna ang mayamang imahinasyon na ngayon ay maaari mong gamitin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-16-25-34-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumuha ka ng ginintuang aral sa mga taong nagmamalasakit sa iyo. Dapat na pagmalasakitan mo rin sila upang tuluy-tuloy kang umunlad at habambuhay na lumigaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-4-10-19-28-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Patuloy kang tumulong may kapalit man ito o wala, hayaan mo ang langit na magpasalamat sa iyo sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-22-32-35-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nadagdagan man ang timbang mo mananatili ka pa ring malakas. Ang lahat ng mga mata ay sa iyo pa rin nakatingin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-7-18-25-30-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habang patuloy kang nagsusumikap, patuloy din darating ang iyong mga suwerte at magagandang kapalaran. Laging nanaig ang nasa itaas, tiyak na hindi ka nito pababayaan kailanman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-7-11-20-29-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami kang matututunan sa mga araw na ito. Ngayon mo makikilala ng husto ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-18-21-27-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon palang tutukan mo na ang mga dating gustung-gusto mong mangyari at gawin, dahil kusa itong ipagkakaloob sa iyo ng langit hanggang sa ikaw ay yumaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-19-26-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit malayo pa ang landas ng pagtitiis may nakikita ka na rin namang ilaw ng paglaya. Ang ilaw na ito ay ang ilaw ng pag-ibig na magdadala sa iyo sa isang mas maunlad at mas maligayang bukas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-13-19-22-31-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Naiiba ka sa lahat dahil nakakakita ka ng paraan kung paano mo mapapaunlad ang iyong sitwasyon. Ang isa pang kaibahan mo ay habang kumikilos ka, kikilos din paangat ang iyong kabang-yaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-18-28-35-41.




Comments