top of page

Horoscope | Agosto 28, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 28, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 28, 2025 (Huwebes): Magdaratingan ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran sa iyo. Ang buhay mo ay mapupuno na ng kaligayahan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya ang humihila sa magagandang kapalaran. Kaya magsaya ka! Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-12-27-30-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masasayang ang mga pagsusumikap na ginagawa at gagawin mo pa lang. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-12-19-26-30-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Nangangamoy na ang simoy ng hangin na may dalang regalo, at ikaw ang unang reregaluhan. Pero sa maniwala ka o sa hindi, ngayon mo na matatanggap ang nasabing espesyal na regalo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-8-10-14-17-23.


CANCER (June 21-July 22) - Dakila sa mata ng langit ang mga bata. Ito ang dahilan kung bakit madalas na mahulog sa iyo ang magandang kapalaran, dahil ikaw ay nakikitang malapit sa mga musmos na bata. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-24-30-32-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano lang ang kaya mo, iyon lang ang ibigay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-16-19-26-37-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapusin ka man sa pagkilos, susuwertehin ka pa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-13-24-33-36-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aani ng mga pangit na kapalaran ang hahamon sa iyo, at siya ay tiyak na mapapahamak. Ibig sabihin, kahit hindi mo sila patulan, makakaranas na agad sila ng malulupit na mga kaganapan sa kanilang buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-9-18-27-36-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pantay-pantay sa mata ng langit ang lahat ng nilalang. Mali ang akala ng mga mayayabang na sila ay nakahihigit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-19-28-37-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka kakapusin sa magagandang kapalaran, dahil maraming nireserba sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-5-14-29-31-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawakan mong mahigpit ang mga suwerteng ipinagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-24-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakagulat dahil lalayasan ng mga suwerte ang taong umaapi sa iyo. Ang higit na nakakagulat ay sa iyo mapupunta ang kanilang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-10-26-36-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simple lang ang pormula kung paano ka bubuwenasin. Magkunwari kang walang-wala, at magugulat ka na lamang na biglang bubuhos ang magandang kapalaran sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-25-30-35-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page