Horoscope | Agosto 27, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 27, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 27, 2026 (Huwebes): Ito ang araw na dapat kang umiwas sa iba't ibang uri ng gawain. Dapat mag-concentrate ka lang sa mga bagay na mas mabilis na magpapalaki ng iyong savings.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bitbitin mo ngayon ang mga makalumang aral na ipinamana sa iyo ng iyong mga magulang, dahil ito ang panlaban mo sa kahirapan at katamaran. Masuwerteng kulay–burgundy. Tips sa lotto-7-19-24-29-31-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong atrasan ang mga hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Malalaking premyo mula sa langit ang mapapasaiyo kapag hinarap mo ito. Masuwerteng kulay–violet. Tips sa lotto-5-15-21-29-33-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka ngayon. Mas maganda kung gagawa ka muna ng isang masinop na plano bago kumilos. Masuwerteng kulay–peach. Tips sa lotto-4-10-17-20-28-34.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang hindi mo gusto, iyon ang mangyayari. Masuwerteng kulay–red. Tips sa lotto-2-14-18-27-30-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gagamitin ka ngayon ng langit bilang ilaw ng isang taong nawawalan na ng pag-asa. Sa iyo siya magkakaroon ng sigla, saya at lakas na sapat para muli siyang makapagsimula. Masuwerteng kulay–ocher yellow. Tips sa lotto-6-12-16-22-36-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi man aminin ng ilan, alam nila na mas tama ka kaysa sa kanila. Kaya hindi na nila igigiit ang mga sinasabi nila dahil mapapahiya lamang sila sa kanilang sarili. Masuwerteng kulay–white. Tips sa lotto-3-10-13-25-28-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gumagalaw ang mga alon na parang nagsasayaw dahil sa ihip ng hangin. Magsisigalaw rin sila at magiging masaya dahil sa iyo. Sila ang mga taong ikaw ang inspirasyon. Masuwerteng kulay–green. Tips sa lotto-9-15-24-37-39-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Patak ng tubig sa tag-init ang mga ngiting ipupukol mo sa isang taong noon pa naghahanap ng tunay na pag-ibig. Huwag mong hayaang muli siyang malungkot. Masuwerteng kulay–orange. Tips sa lotto-5-11-19-28-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi naman gaanong mahalaga kung ikaw ba ay paniniwalaan ng mga nasa paligid mo. Ang importante ay tama at makabubuti sa lahat ang mga plano at ang mga pagkilos na gagawin mo. Masuwerteng kulay–purple. Tips sa lotto-2-10-17-23-25-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na marami ang magpapasalamat sa iyo. Masuwerteng kulay–pink. Tips sa lotto-3-18-20-22-28-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Higit kailanman, pahinga ang iyong kailangan. At dapat mo ring malaman na hindi lang katawan ang nangangailangan ng pahinga kundi ang isip din. Huwag mo nang isipin nang isipin ang dati at luma mo nang mga pagkakautang. Masuwerteng kulay–beige. Tips sa lotto-7-16-17-21-32-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gamitin mo ngayon ang iyong pandama. Kapag may nakaharap ka, pakiramdaman mo muna kung mabuti ba o masama ang motibo niya. Hindi ka mamamali sapagkat ang pandama mo ay laging tama. Masuwerteng kulay–blue. Tips sa lotto-1-13-20-27-35-40.




Comments