top of page

Horoscope | Agosto 27, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 27, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 27, 2025 (Miyerkules): Ginagarantiya ng araw ng iyong pagsilang, na ang tagumpay sa anumang larangan na iyong piliin ay mapapasaiyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon na ang tamang araw upang gawin mo ang inaakala mong mahirap na proyekto. Simulan mo na ngayon! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-19-26-30-44


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gamitin mo ngayon ang iyong imahinasyon, nang sa gayun ay makadiskubre ka ng mga bagong ideya na maaari mong magamit kung paano palalaguin ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-24-28-34-36


GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na kapag lumabis ang kumpiyansa mo sa sarili, may kabiguan at kalungkutan kang mararanasan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-13-16-21-24-39


CANCER (June 21-July 22) - Mahina ang loob mo, ayaw mo lang aminin. Mas maganda na dumikit ka sa malalakas ang loob upang maitulak ka nila sa mga bagay na mapapakinabangan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-26-33-37-40


LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang tamang araw para makabuo ka ng magandang plano na lulutas sa mga problema mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-16-25-35-42


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sapat na ang naipon mong kaalaman para makatiyak ka na hindi ka na muling malulugi. Huwag mong kaligtaan na ang mga kaalaman ay dapat sinasamahan ng kaukulang pagkilos. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-14-22-25-29-40


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang para sa kapakanan mo. Hindi na dapat maulit ang dati na inuuna mo ang iba, pero hindi naman nila pinahalagahan ang ginawa mo para sa kanila. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-19-28-30-35-42


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang para sa iyo at huwag mong hayaang mapunta sa iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-21-24-25-34


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sapat na ang kaalaman mo para magawa mo nang maayos ang mga proyekto. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-20-25-27-29-36


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Biglang tataas ang antas ng iyong tapang. Kung hindi mo ito makokontrol, masasabi mo ang mga hindi mo dapat sabihin. Mas maganda na ang tapang ay kontrolado. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-8-11-15-22-23-39


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pangarapin ang hindi mo kaya. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-24-28-33-42


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simple lang ang sikreto kung paano ka magtatagumpay. Ilarawan mo muna sa isip mo ang mga gagawin mo. Sa ganitong paraan, hindi ka na magkakamali, magiging maayos ang lahat, at makakamit mo pa ang lahat ng iyong gusto. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-14-22-29-40.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page