Horoscope | Agosto 27, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 27, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 27, 2023 (Linggo): Tiyak ang pagyaman mo, mas yayaman ka kaysa sa mga pangkaraniwang mayayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lakas ng iyong loob ang susi sa tagumpay, samantalang sa iba hindi sasapat ang kanilang lakas ng loob upang sila’y umunlad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-29-30-31-32-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglaan ang pagdating ng iyong tapang. Kung hindi mo ‘to makokontrol may posibilidad na lalo itong lumala. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-13-20-24-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Sumusugod ka kahit na ‘di ka sigurado sa mga nangyayari. Sa pagsugod mo, maraming bagay ang pakikinabangan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-29-31-39-45.
CANCER (June 21-July 22) - Madali kang magalit, kaya iwasan mo ang mga taong may lihim na agenda. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-19-24-34-40-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ito gabay ng kapalaran, ito ay tiyak na magaganap, na kung saan ngayon lalabas ang pinakatagu-tago mong tapang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-16-17-26-33-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang takdang panahon upang simulan ang mga proyekto na ‘di mo matuluy-tuloy. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-2-12-14-35-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ayaw mo iyon ang mangyayari, ngunit ang resulta ay papabor pa rin sa iyo. Ngayon mo mauunawaan na kumikilos ang kapalaran kahit na labag sa kagustuhan ng mga tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-21-25-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang pinaniniwalaan mo iyon mismo ang gawin mong gabay sa buhay. Hindi makakabuti para sa iyo na paniwalaan ang mga haka-haka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-19-20-25-27.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lakasan mo ang iyong loob, kapag nagpasya ka gawin mo na agad. Sa ganyang paraan, malalaking tagumpay at sunud-sunod na suwerte ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-18-22-25-33-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papainit ang panahon, ang ibig sabihin, gaganda rin ang takbo ng iyong kapalaran. Magkagayunman ang payo sa iyo ng iyong kapalaran ay lumayo ka sa mga taong alam mong sisirain lang ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-21-23-30-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gustuhin mo mang magalit ay ‘di mo magagawa. Alipin ka ngayon ng pag-ibig. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-29-31-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sulitin mo ang iyong magandang buhay ngayon. Kung nagkataong hindi mo naman gusto ang mga pangyayari, huwag kang mag-alala dahil sinisigurado ng iyong kapalaran na magiging okey din ang lahat. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-16-20-21-23.




Comments