Horoscope | Agosto 26, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 2 minutes ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 26, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 26, 2026 (Miyerkules): Napakalakas ng iyong personalidad. Kaya ang mahihina ay didistansya sa iyo, at ang kapwa mo malalakas ay makakabangga mo, pero ikaw pa rin ang magwawagi at mananalo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nahahadlangan ng iyong emosyon ang paglabas ng iyong lakas. Mahirap mang tanggapin ang payo, sinasabi nitong hindi ka dapat maawa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-18-20-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag naunawaan mo na ang buhay sa mundo'y isang laro lamang, hindi ka na masasaktan. Kaya bakit ka magseseryoso kung paglalaruan ka lang naman? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-17-21-28-36-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo kailangang magpaliwanag sa ibang tao. Sila ang dapat na magpaliwanag sa iyo kung bakit nila pinanghihimasukan ang buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-16-22-37-45.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat magpadala sa mga makabagong paniniwala. Hayaan mo ang iba na baguhin ang buhay nila. Ang magagandang kapalaran para sa iyo ay nasa pananatili ng iyong personalidad at mga dating asal. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-3-15-23-25-33-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Simple lang para suwertehin ka. Ito ay nagsasabing pasayahin mo ang iyong mga nakakasama. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-20-27-31-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi bale nang magalit sa iyo ang iyong tinanggihan kaysa naman ikaw ang sumama ang loob sa kanya dahil hindi siya tutupad sa inyong napag-uusapan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-16-18-29-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang oras mo sa pakikipagtalo. May mga bagay na magaganda na maaari mong asikasuhin kaysa sa walang saysay na pakikipagtalo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-27-30-35-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang pinakamaganda mong gawin ngayon ay umiwas sa mga mandaraya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-19-25-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasayang naglalaro ang mga dahon at hangin. Makipaglaro ka sa mga pangkaraniwang tao; sila ang mga dahon sa ibabaw ng sarili mong mundo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-16-22-28-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bibigat ang pakiramdam mo, pero wala kang anumang sakit na mararamdaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-25-27-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil aakalain mong binigyan ka na naman ng mga suliranin ng langit, ngunit lingid sa iyong kaalaman, suwerte pala ang ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-14-17-21-26-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Napag-uusapan ang problema, kaya huwag mo itong takasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-26-28-30-43.




Comments