Horoscope | Agosto 25, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 1 minute ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 25, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 25, 2026 (Martes): Malayo ang iyong mararating. Ipinahihiwatig din nito na magkakaroon ka ng very successful life.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang pagkakalooban ng mayamang imahinasyon. Gamitin mo ito sa makabuluhang layunin, at huwag mo itong gamitin sa mga walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-23-30-32-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabala ang araw na ito, at ang ilang araw pang susunod na may magtatangkang maisahan ka. Kaya mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-14-20-35-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Muling mauulit ang pandaraya. Kaya layuan mo agad sila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-25-30-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Itago mo ang iyong damdamin. Hindi nila puwedeng mahalata ang laman ng iyong puso dahil hindi pa ngayon ang panahon para isiwalat mo ang iyong nadarama. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-3-10-21-29-33-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung mamamasyal ka, dapat may kasama ka. Hindi maganda ang nag-iisa. Ang ganda ng mga tanawin ay pumapangit kapag walang kasama. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-19-24-31-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikislap na muli ang iyong kapalaran. Marami ang masisilaw sa kislap ng iyong magandang kapalaran. Gayunman, iwasan mong magkasala sa mga taong maaakit sa kislap ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-20-28-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maglilitawan ang mga taong may hindi mabuting motibo para sa iyo, ngunit sila ay nagkukubli sa damit na puti. Kung hindi ka mag-iingat, maaaring masaktan ka at sa huli ay iiyak ka lang nang iiyak. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-15-23-36-39-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mamamahinga ang mga lihim mong kaaway. Pero hindi ka puwedeng magpakampante. Mas maganda na lagi kang alerto at handa sa anumang oras. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-14-22-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit pakitaan ka ng hindi maganda, pakitaan mo pa rin siya ng maganda. Sa huli, magbabago rin siya. At ikaw na ang papakitaan niya ng maganda, at higit pa rito ang ipapakita niya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-13-26-34-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo ‘pag kaya mo. Kapag hindi mo naman kaya, huwag mo nang pilitin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-24-31-32-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malakas ang dating ng mga kilos mo, pero mas malakas ang dating ng boses mo, na nagpapakita ng iyong likas na gayuma. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-25-27-35-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magbabago, at huwag mong papalitan ang paniniwala mo, sapagkat ngayon ay nasa tamang direksiyon ka habang naglalakbay sa landas ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-7-18-28-39-44.



Comments