Horoscope | Agosto 25, 2023 (Biyernes)
- BULGAR
- Aug 25, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 25, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 25, 2023 (Biyernes): Malayo ang iyong mararating sa buhay. Ibig sabihin, ikaw ay magtatagumpay hindi lang sa isang bagay kundi sa iba’t ibang aspeto ng iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maglalaro sa isip mo ang maraming ideya na ‘pag pumili ka, tiyak na sasapat ito upang mas lalo kang suwertehin sa negosyong iyong pinagkakaabalahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-17-20-24-29-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malaki ang matutunan mo sa pakikinig sa mga taong mas may alam kaysa sa iyo. Gamitin mo ito upang umunlad at lumigaya ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-29-30-36-46.
GEMINI (May 21-June 20) - Kulang na kulang ka sa pag-iipon. Ang kailangan mong gawin ngayon ay disiplina sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-22-25-26-31.
CANCER (June 21-July 22) - Paglayo ang nakikita mong solusyon sa mga personal mong suliranin. Ang tanong ay magagawa mo kaya? Ayon sa bolang kristal, ang sagot ay hindi pa ngayon. Kaya maghinay-hinay ka na lang muna. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-21-28-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi totoo na lahat ng bagay sa mundo ay kumukupas, dahil gaya ng pagmamahal, ito ay walang hangganan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-26-29-34-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Timbangin mo ang kakayahan ng mga taong nagsasabing gusto ka nilang maging bahagi ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-18-22-27-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang sumugod. Mas maganda kung sa tuwing hahakbang ka ay tumigil at mag-isip ka muna. Ito ang sikreto ng mga nagtatagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-20-25-29-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka ayon sa iyong plano. Kahit na maganda ang nadidinig mong mungkahi, huwag kang magkakamaling baguhin ang iyong pasya. Masuwereng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-11-17-25-27-35-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ka susuwertehin sa malalayong lugar. Ihanda mo ang iyong sarili sa malayuang paglalakbay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-20-24-26-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pumili ka nang isa sa maraming pormula ng tagumpay. Muli, isa lang ang dapat mong piliin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-29-30-33-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Naghihilom ang sugat kahit na gaano pa ito kalalim. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-25-27-35-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbabalik ang mga araw na ikaw ay buwenas. Alam mo kung sino ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga taong hindi naniniwala sa iyo! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-22-27-30-33.




Comments