top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Horoscope | Agosto 24, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 45 minutes ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 24, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 24, 2026 (Lunes): Pabagu-bago ang takbo ng iyong kapalaran. Gayunman, iisa lang din ang kauuwian, ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Umiwas ka sa mga nakatutuksong bagay. Hindi ngayon ang panahon para makasingit sa iyo ang mga magiging dahilan ng pag-atras ng iyong suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-22-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maganda na ang nangyayari sa buhay mo at mas papagandahin pa ng langit ito. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-16-19-25-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Malakas ang hatak sa iyo ng mga nakakaakit na bagay at mga pangyayaring. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-20-26-34-45.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Malilito ka, at aakalain mong mali ang mga nangyayari, pero sa katunayan, mas umaayos at gumaganda pa ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-25-35-36-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Makikita kang mahilig sa maganda. Gayunman, isa itong magandang senyales. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-15-21-31-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mawawala ang iyong pag-aalinlangan. Tatalunin ito ng mga positibong pananaw na kapag nilakipan mo ng pagkilos, tiyak na gaganda ang iyong kabuhayan at propesyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-26-29-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pag-ibig ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran sa mismong araw na ito. Kaya ang payo, hindi ka dapat magalit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-25-27-34-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayong araw papasok ang magagandang ideya sa isip mo. Mamili ka lang ng isa at iyon na mismo ang isagawa mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-12-28-30-32-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Piliin mo ang mas madaling paraan. Hindi ka puwedeng makipagsapalaran sa masalimuot na pormula dahil may babalang maaaring magkamali ka lang habang ito ay iyong ginagawa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-15-26-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sunud-sunod na suwerte ang darating sa buhay mo. Kung hindi ka magiging masinop, maaaring masayang lang ang mga ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-21-29-33-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Minsan, ang pagkakamali ay nagbubunga ng maganda. Magkakamali ka ngayon, pero ang mga pagkakamali iyon ang magiging daan upang mas gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-23-35-37-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mabibigat na nararanasan ng malalapit sa puso mo, at sila rin ay makakabahagi sa kakaibang lakas ng loob mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-24-26-34-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page