Horoscope | Agosto 24, 2025 (Linggo)
- BULGAR
- 23 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 24, 2025

Sa may kaarawan ngayong Agosto 24, 2025 (Linggo): Kahit pa pumangit nang pumangit ang buhay mo, paulit-ulit din itong aayusin ng langit, dahil ang iyong kaarawan ay may kahulugan na ikaw ay may magandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos mismo ang langit para pagandahin pa ang landas ng buhay na iyong tinatahak. Sa ganitong paraan, wala kang dahilan para huminto sa iyong mga ginagawa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-10-12-23-39-44
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw ang masusunod, kaya mag-utos ka. Ang papel mo sa mundo ngayon ay mag-utos nang mag-utos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-37-38-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit hindi ka tumutok sa mga pangarap mo, isa-isa pa rin itong magkakaroon ng katuparan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-24-30-32-36.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magpapaawat sa gusto mong gawin. Sila ang dapat na huminto sa pakikialam sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-26-31-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lupa ang katapat ng langit. Kaya ang malaki ay katapat ng maliit. Ito ang gamitin mong basehan kung sino ba talaga ang para sa iyo. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-4-16-18-21-34-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang tanungan ng maraming tao, alam na ng iba ang sagot, pero tinatanong ka pa rin nila. Subalit mas maganda kung ‘di mo na lang sila papansinin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-25-27-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpakatotoo ka. Kailangan ng tao ang materyal na bagay kaya ito rin ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-18-20-24-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - ‘Wag mong kalimutan ang mga taong nakakatulong sa iyo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-16-24-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumingin ka sa Itaas. Ito ang susi ng tagumpay na nagsasabing nangangarap lang ang may tsansa na magkaroon ng magandang buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-15-21-25-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbibigay ng lakas ang sikat ng haring araw sa umaga. Ito ay kailangan mo, hindi dahil may sakit ka kundi para mas lumakas pa ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-7-12-14-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka sasaya, ru’n ka. Walang tao na gustong malungkot, pero minsan merong ganung nilalang na ayaw takasan ang malungkot na buhay. Lumayo ka sa kanila at baka mahawa ka pa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-10-14-29-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumunod ka lang sa agos ng iyong buhay. Nangyari na ito sa iyo na sumunod ka lang sa agos ng iyong buhay at dinala ka sa mismong harapan ng taong nagbigay sa iyo ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-12-27-34-44.
Comments