Horoscope | Agosto 24, 2023 (Huwebes)
- BULGAR
- Aug 24, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 24, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 24, 2023 (Huwebes): Nabubuhay ka dahil sa pag-ibig, kaya walang dahilan upang matakot kang magmahal. Muli, sa pag-ibig ka mabubuhay kaya huwag mong pigilan ang iyong sarili na magmahal.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka masaya, ro’n ka. Saya ang nagbibigay sigla sa lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-18-21-30-36-46.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakatuwa ang mga pangyayari sa buhay mo. Ito ang araw na anumang hilingin mo sa langit, tiyak na magkakatotoo, kaya wala kang dapat gawin ngayon, kundi ang humiling! Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-16-21-32-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mabahala, malapit na ang araw ng kalayaan. Lalaya ka na sa mga problemang iyong kinakaharap at sunud-sunod na suwerte ang iyong matatamasa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-18-23-34-40-46. CANCER (June 21-July 22) - Huwag mo nang pangarapin na magkaroon ng koneksyon sa mga taong hindi ka naman naaalala noong ng iyong pag-iisa at pangungulila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-25-29-35-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matatag at buo ang iyong loob. Ngayon araw, magsisidatingan ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-13-19-22-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mabahala kahit na humina pa ang kita mo ngayon, dahil tiyak na dodoblehin ng langit ang kikitain mo sa mga susunod na araw, habang kasama mo ang isang Libra na dati mo nang minahal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-25-32-36-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi nauubos ang mga oportunidad sa mga taong gustong umunlad. Tulad mo, sa dami ng mga oportunidad na lalagay sa iyong harapan, makakapili ka ng swak para sa iyo. Galingan mo ang pagpili, dahil ito na ang panghabambuhay na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-17-22-24-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Wala kang dapat patunayan sa kapwa mo. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa kahit na sino, lalo na sa mga taong panay ang husga sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-27-29-33-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mo ang iyong sarili. Magpakalakas ka, dahil malalaking suwerte ang nakatakdang ipagkaloob sa iyo ng langit sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-18-21-30-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malapit nang dumating ang mga araw na kung kailan ay mayayakap mo ang maliliit at malalaking suwerteng noon pa man ay inilaan na sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-5-19-22-31-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magagawa mo ang anumang gusto mo. Ito ang araw na inilaan sa iyo upang lumakas ang iyong loob at kasabay nito marami ring nasa palagid mo ang tutulong sa iyo, kaya ano pang hinihintay mo? Kumilos ka na! Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-14-23-39-40-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magdalawang isip na tulungan ang mga taong nangangailangan. Ang mga tumutulong sa kapwa ay mas pinagpapala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-22-27-34-44.




Comments