top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Horoscope | Agosto 23, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 23, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 23, 2026 (Linggo): Negosyo ang magpapayaman sa iyo, kaya magnegosyo ka! Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtanong ka sa mga nakakaalam, dahil hindi magandang nagdunung-dunungan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-21-25-38-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na kakaibang sigla ang iyong madarama, na nagbabalitang puwede mo nang ituloy ang mga hindi mo nagawa noong nagdaan dahil pinanghinaan ka ng loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-16-20-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Magpatuloy ka lang at huwag mong pansinin ang mga kumokontra sa iyo. Sa huli, bibilib sila at makikiusap na maging bahagi sila ng iyong pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-24-28-30-33.


CANCER (June 21-July 22) - Gagabayan ka ngayon ng iyong isip. Kaya kahit magpumilit ang damdamin mo, hindi pa rin ito mananaig. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-13-29-31-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Makipagsapalaran ka para manalo ka. Kapag naduwag ka, aatras nang kusa ang mga suwerteng paparating sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-23-26-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon ibabalik ng langit ang araw kung saan mapapasaiyo na ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-2-11-18-28-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbang-timbangin mo ang mga katangian ng nagpapakita sa iyo. Sa pagkakataong ito, hindi puwedeng muli kang masaktan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-15-20-24-33-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong bawasan ang mga kabutihang ginagawa mo sa iyong kapwa, kahit pa ang ilan sa kanila ay nakakalimot na magpasalamat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-21-25-34-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napaso ang sinaunang mga tao nang hawakan nila ang apoy at simula noon ay nagkaroon na sila ng takot. Sa pagkabigo, dapat ay may matutunan kang aral sa iyong buhay. Matapos ang kabiguan, sunud-sunod na suwerte at magagandang kapalaran na ang kasunod. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-16-22-26-35-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi nakakaabante ang mga taong ayaw kumilos. Ito ang lantad na katotohanan sa kawalang pag-unlad. Ngayong alam mo na, dapat alam mo na rin kung ano ang gagawin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-27-29-30-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na dapat mo nang kalimutan ang kabiguan upang makapagsimula ka na ng bagong kabanata. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-23-25-39-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sisingit ang ilang negatibong pananaw sa iyong kasiglahan. Gayunman, huwag mo itong pansinin upang sa ganu’n ay hindi bumagal ang magandang daloy ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-15-20-25-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page