Horoscope | Agosto 23, 2025 (Sabado)
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 23, 2025

Sa may kaarawan ngayong Agosto 23, 2025 (Sabado): Bilis ang taglay mong galing. Kaya mabilis ka ring aasenso at kung gugustuhin mo lang, mabilis ka ring yayaman. Muli, bilis ang taglay mong galing.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alinlangan at panghinaan ng loob. Sa pag-aalinlangan, ang tao’y nanghihinayang sa magagandang pagkakataon na nasa kanyang harapan na sana. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-24-
33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka! Kahit wala kang tiyak na gustong gawin. Sa pagkilos, gumagana ang isip at sa huli ay maiisip mo rin kung ano ang tamang direksyon na iyong haharapin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-14-23-38-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakabukas sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang napakaraming magagandang kapalaran. Naranasan mo na rin ito sa mga nagdaang araw, pero sinayang mo lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-22-28-34-36.
CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang sigla ang iyong madarama ngayon, at ito ang dapat magsilbing inspirasyon para gawin mo ang mga bagay na hindi mo nagawa noon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-18-24-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sumabay ka sa takbo ng panahon kahit hindi ka naniniwala sa ibang mga bagay na nagaganap sa kapaligiran. Ang pagpapayaman ay simple lang – kung ano ang gusto ng tao, kahit hindi mo gusto, iyon ang dapat mong gawing produkto. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-13-29-33-35-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon na ang pagkakataon mo para maparami at mapalaki ang kita mo. Huwag mong kaligtaan na kahit saan ka man naroroon, maaari kang kumita. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-6-17-28-30-37-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Yumayaman ang mga taong nag-iisip na yumaman. Sa buhay ng tao, ang isip ang nagdidikta kung ano ang mangyayari sa kanya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lott-3-15-23-27-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Limitahan mo lang ang mga kilos mo sa iisang layunin. Ito ang gawin mong gabay ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-22-27-31-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpatulong ka sa naniniwala sa iyo. Umiwas kang magpatulong sa mga taong wala namang tiwala sa iyo, dahil sa halip na matulungan ka, masisira pa ang iyong magandang diskarte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-18-25-39-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mahalaga kung aayaw ka. Ang importante ay ang kakayahan ng tao na itugma sa takbo ng pangyayari ang kanyang mga kilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-21-24-35-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ituloy mo ang gusto mong gawin. Sa huli, ang sinumang kumontra sa iyo ay aaayon din, at ang nakakagulat na mangyayari ay hihingi pa sila ng bahagi ng malaking suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-14-16-23-28-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itutulak ka ng iyong sarili na pumunta sa masasayang lugar at sa mga lugar na malapit sa nature. Gawin mo ito, dahil hinihintay ka na roon ng iyong mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-15-18-27-30-41.
Comments