Horoscope | Agosto 23, 2023 (Miyerkules)
- BULGAR
- Aug 23, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 23, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 23, 2023 (Miyerkules): Mabilis kang mag-isip kaya tiyak na yayaman ka rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit hindi pa buo ang iyong desisyon, gawin mo na ito agad. Hindi mo kailangan ang pagpaplano bago ka kumilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-21-27-35-42-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magtiwala ka sa sarili mo kaysa sa ibang tao. Ang nagtitiwala sa iba ay malas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-15-21-24-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ang iyong kapalaran at hawak mo rin ang kapalaran ng ilang nasa tabi mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-17-23-33-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Ituon mo ang iyong isip kung paano mo mas lalong pagagandahin ang iyong kinabukasan. Ang pag-iisip sa ibang aspeto ng iyong buhay ay pag-aaksaya lamang ng iyong mga oras at araw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-7-16-22-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag bumagal ang kilos mo dahil bigla kang nawalan ng gana. Magpatulong ka sa isang malapit sa iyo na may masayang personalidad. Sa ganito paraan, bibilis ang ikot ng iyong mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-26-33-39-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang una mong naisip, gawin mo agad. Kung magtatagal ka pa bago mo isagawa ito, tiyak na sisingit ang pag-aalinlangan at ang mga suwerte ay magsisilayo sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-18-30-34-40
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tutukan mo ngayon kung ano ang ginagawa ng iyong mga kamay. Ito ang susi sa iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-18-23-35-39-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit labag sa loob mo, tulungan mo pa rin ang mga taong lumalapit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-25-31-37-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Turuan mo ‘yung mga taong gustong matuto. Huwag mong piliting turuan ang ayaw na matuto. Ang mga mamahaling hiyas ay hindi dapat ibigay sa taong ‘di marunong kumilatis ng halaga ng alahas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-21-27-33-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon ang tamang araw para kumilos. Ang bawat pagkilos ay mamumunga ng matatamis at masasarap na pakinabang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-8-11-17-22-26.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumuha ka ng alalay na susunod sa mga utos mo. Huwag kang kukuha ng mas marunong pa kaysa sa iyo. Hindi mahalaga na may kasama ka kung sasakit lang din naman ang iyong ulo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-9-22-31-37-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Obserbahan mo ang mga taong gusto mong makilala. Sa kilos, gawi at pananalita nakilala ang isang tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-8-16-19-28-33.




Comments