top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Horoscope | Agosto 22, 2026 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 23, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 22, 2026 (Sabado): Huwag mong katatakutan ang iyong mga kaaway. Sa katunayan, sila ang dapat makaramdam ng takot kapag naging kaaway ka nila.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit pa maraming araw na makakapal ang mga ulap, ang liwanag ay naghihintay pa rin. Kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-12-20-31-39-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manindigan ka upang mabago ang kapalaran mo. Ito ang pangako sa iyo ng langit kapag hindi ka natinag. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-27-35-38-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Bilisan mo pa ang pagkilos mo para hindi makasingit sa iyo ang pag-aalinlangan. Pero kung magbabagal ka, makikita mo ang katotohanang sa pag-aalinlangan nabibigo ang tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-19-24-34-42.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat matalo ng pangamba, pag-aalala at negatibong kaisipan, lalo na ngayong gumaganda na ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-29-33-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy ang ikot ng kamay ng orasan ng buhay. Kaya ‘wag kang magpapaiwan, at lalong ‘di ka dapat manatili sa kalungkutan. Tandaan mo, maraming magagandang bagay ang naghihintay para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-15-21-39-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbabala ang iyong kapalaran na kapag pinansin mo ang mga kontrabida, babagal ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-20-23-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papasok sa kapalaran mo ang isang kaganapan na magiging daan upang matupad ang iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-17-22-27-30-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naiiwan ang mabagal, kaya huwag kang babagal-bagal. Maraming nakukuhang biyaya ang mga nauuna at hindi nagpapaiwan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-18-25-35-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang magandang hinaharap ang natatakot sa dilim. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-20-26-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapapalaban ka sa isang makulit na ayaw magpatalo, pero higit kaninuman, mas makikinabang ka sa kanyang mga kakulitan. Ito ang hiwaga ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-21-28-31-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan na kahit wala kang gawin, ang malalaking suwerte ay kusang magsisilapit sa iyo. Magpasalamat ka lagi sa nasa Itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-16-25-34-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang maiingay na wala namang alam. Marami ang magdudunung-dunungan at aasta na mas magaling sila sa lahat. Gayunman, huwag mong bigyan ng panahon ang mga ganitong tao, dahil sisirain lang ng kanilang kabobohan ang araw mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-26-31-36-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page