Horoscope | Agosto 22, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 22, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 22, 2023 (Martes): Malalaking suwerte ang mapapasaiyo kung uunahin mo ang iyong sariling kapakanan, kaysa sa mga taong nasa paligid mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tibay ng paninindigan ang magbibigay sa iyo ng malalaking suwerte kaya kung ano ang napili mo, huwag mo nang palitan pa. Ang pag-aalinlangan ay hindi makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-23-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag maayos ang iyong relasyon ang magagandang kapalaran ay magdadatingan sa buhay mo. Ang anumang suliranin na iyong kinahaharap ay kailangan mo nang maisaayos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-29-30-35-41-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aralan mong mabuti ang mga susunod mong hakbang. Ang pagmamadali ay magdadala sa iyo ng maraming problema. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-19-24-29-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Patuloy kang gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa upang ika’y tuluy-tuloy na pagpalain, at ang langit mismo ang magkakaloob sa iyo ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-23-25-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makipagsapalaran ka sa malalaki, at ang mga maliliit ay huwag mong pangarapin, ang mga ito ay para sa kapwa mo at ang malalaki ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-27-30-34-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magbabago, alagaan mo ang iyong paboritong numero. Huwag kang magtataka kung ang suwerte ay mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-20-21-24-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Para sa iyo ang magaganda. Ang mga hindi magaganda at katamtaman lang ay para sa iba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-19-20-25-30-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang magpapakita sa iyo ng simpatya siya ang magiging bahagi ng iyong buhay sa mahabang panahon. Ikaw ay pinalalayo sa mga bagay na nagpapasakit ng iyong ulo at damdamin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-21-22-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng inspirasyon hindi sa tao kundi sa mga hamon na iyong napagtagumpayan. Makakatiyak ka na ang buwenas ay muling mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-18-25-26-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang kapalaran mo sa mga araw na ito, dahil ang malalaking suwerte ay mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-31-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magulat kapag dumapo sa iyo ang mga suwerte sa mga sandaling akala mo’y hindi ka buwenas. Noon pa man ay ganito na ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-29-30-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magmumula sa iyong mga kaaway ang iyong mga suwerte, pero huwag kang makipag-away dahil hindi ito tama. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-21-25-27-34-37.




Comments