Horoscope | Agosto 21, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 3 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 21, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 21, 2026 (Biyernes): Hindi ka bibiguin ng langit, at matutupad na rin ang iyong mga pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong mahalata ng mga nasa paligid mo na nagmamalaki ka. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-9-11-24-37-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madaragdagan ang kabuhayan at mga ari-arian mo. Gayunman, ingatan mo ito at dagdagan pa nang dagdagan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-21-27-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Ibahagi mo sa mga nagpapasaya sa iyo ang mga biyayang tinatamasa mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-20-25-38.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang magbibigay sa iyo ng saya at ligaya, iyon ang gawin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-25-31-36-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabago ang lahat sa ibabaw ng mundo. Ang nasa ibaba ay tumataas at ang nasa itaas ay bumababa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-19-27-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Totoo na ang mga bituin sa langit ay nahuhulog. Aktuwal na masasaksihan mo ang mga umaastang sikat ay agad na babagsak. Maaawa ka, pero ikaw rin ay lihim na matatawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-22-26-36-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tatanggap ka ngayon ng magandang regalo dahil ang isang hindi sinasadyang nabigyan mo ng inspirasyon na labanan ang kabiguan ay magpapasalamat sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-12-24-33-34-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Aangat ka pa nang aangat hanggang sa gusto mong umangat. Samantalahin mo ang magandang oportunidad na ito na kaloob sa iyo mismo ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-19-29-32-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Susuwertehin ka ngayon. Ito ang mabuting balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-25-31-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na matutupad mo na ang iyong mga ambisyon. Kaya wala kang dapat gawin ngayon kundi ang kumilos nang kumilos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-21-23-27-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Itapon mo sa hangin ang lahat ng nerbiyos mo na hadlang kaya hindi mo masimulan ang mga unang hakbang mo para sa iyong ganap na pagyaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-13-29-33-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ka humiling sa langit dahil ang tainga ng langit ay nakatapat na sa iyo, at ang mga hiling mo ay ang unang bibigyan ng prayoridad. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-11-15-26-38-44.



Comments