Horoscope | Agosto 21, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 21, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 21, 2023 (Lunes): Hahawak ka ng tungkulin at posisyon na kung saan, ikaw ang mamamahala dahil isinilang ka para mamuno.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aangat ka na para bang hindi pa sapat ang mataas na kalagayan mo. Iwasan mong makasakit ng damdamin ng mga nasa ibaba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-20-24-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa iyo nakatutok ang mata ng nasa itaas. Malaki ang tsansa na ikaw ang mapili para mamahala sa iyong mga katrabaho. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-17-27-31-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Layuan mo ang taong kung umasta ay para bang maraming alam. Hindi mo sila kailangan ngayon, ang kailangan mo ngayon ay ‘yung mga taong tunay na may alam. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-29-30-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Magpatulong ka sa mas nakakataas sa iyo. May makukuha ka sa kanilang magandang ideya na magagamit mo upang ika’y umasenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-25-30-35-42-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumikilos ang langit at inaalis niya sa buhay mo ang sisira lang sa iyong kapalaran. Maaaring hindi mo agad ito maunawaan pero sa bandang huli, mapagtatanto mong ito pala ang higit na mas makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-25-34-40-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami ang gustong makialam sa buhay mo. Huwag kang papayag dahil walang sinumang may karapatan na ikaw ay panghimasukan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-10-13-21-29-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, kung ano ang maganda sa iyong paningin, iyon ang iyong piliin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-29-30-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaibang saya ang mapapasaiyo. Saya na madadala mo sa mahabang panahon. Ito rin ang saya na magbibigay sa iyo upang mas mapaganda mo pa ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-24-38-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipilit ang imposibleng mangyari. Marami ka pang baraha na puwedeng bunutin para mas mapabilis ang proyektong iyong ninanais. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-24-30-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagsisimula nang dumating ang magagandang kapalaran na noon mo pa pinapangarap. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-20-24-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumisigla at muli silang nagkakaroon ng pag-asa dahil sa iyo. Ang hindi nila alam, sila ay ginagamit mo lang din naman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-17-21-25-28.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling mapapasaiyo ang barahang “alas”. Ibig sabihin, ikaw ang mananalo kahit na ano’ng mangyari. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-24-26-35-38.




Comments