Horoscope | Agosto 20, 2023 (Linggo)
- BULGAR
- Aug 20, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 20, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 20, 2023 (Linggo): Nakabukas ang tainga ng langit sa iyong mga kahilingan. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ikaw ay nagtagpuang nagmamalasakit at nagmamahal sa iyong kapwa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pakinggan mo ang iyong damdamin. Mas masaya ang buhay kapag ang mga tao sa iyong paligid ay nagmamalasakitan at nagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-18-27-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tingnan mo kung napapabayaan mo na ang iyong sarili. Tingnan mo rin kung masyado mo nang natutukan ang ibang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-21-27-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Luwagan mo ang iyong kilos. Ibig sabihin, huwag mo masyadong pagudin ang iyong sarili sa pagtatrabaho. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-18-23-27-39.
CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong emosyon. Huwag mong hayaang makawala sa iyo ang galit at sama ng iyong loob. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-20-29-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Noon pa man ay kontrolado mo na ang iyong buhay. Ang nakakatuwa pa rito, kontrolado mo rin ang buhay ng ilang malalapit sa iyo. Paghusayan mo pa ang paghawak sa manibela ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-13-19-28-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masasaksihan mo ngayon kung paano umiiral ang karma. Makikita mo na ang ginawang mali ng isang tao sa kanyang kapwa, ay mararanasan din niya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-23-32-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi naman nawala ang iyong ganda. Sa katunayan, nagdadagdagan pa ito. Ang iyong ganda ang aakit sa suwerte na magsisimula na ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-24-30-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napatunayan mong matibay at matatag ka. Ikilos mo lang ang iyong mga layunin at pangarap, upang ikaw ay mabilis na umasenso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-15-24-33-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malungkot ang walang kakumpitensya. Magparaya ka sa gustong sumabay sa iyo. Hindi naman ibig sabihin nito, mababawasan ang galing at husay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-21-27-35-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung may mali ang iyong kapwa, hayaan mo lang sila. Ang sisingil sa kanila, walang iba kundi ang langit. Mas masaya ang buhay na tahimik. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-26-35-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag nagbalik ang dati mong ganda at karisma, ang mga suwerte mo ay muli ring magbabalik sa iyo. Kaya kumalma ka at muling magpaganda. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-22-31-39-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ingatan mo na madaya ka. Kahit na gaano kaganda ang pangako nila sa iyo, isantabi mo lang ito. Ang mga taong panay ang kuwento ay huwag mong pansinin, dahil ang mga mandaraya ay walang tigil sa kakasalita. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-27-29-32-40.



Comments