top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

Horoscope | Agosto 2, 2026 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 2, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 2, 2026 (Linggo): Nasa panig mo ang langit dahil huwaran ka sa kabaitan. Kaya naman, mas susuwertehin ka kaysa sa iba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mananalo ka kapag nakipagsapalaran ka sa hanapbuhay at iba pang larangan. Ang maganda pa rito, ang panalo mo ay tila ireregalo mismo ng iyong kapalaran kaya tiyak na magkakaroon ka ng limpak-limpak na salapi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-19-25-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na susuwertehin ka, kaya puwedeng-puwede ka nang humiling sa langit upang mapatunayan mong masuwerte ka at hindi ka pinababayaan ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-12-18-20-27-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Suriin mo munang mabuti ang mga maririnig mo. Hindi porke magandang pakinggan, maganda na rin ang magiging bunga para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-21-26-28-33.


CANCER (June 21-July 22) - Dumating na ang takdang araw. Ngayon na isa-isang ibibigay ng langit ang iyong mga kahilingan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-22-31-36-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi porke maganda ang pakikitungo sa iyo ng isang tao, hindi ka na niya pagtataksilan. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-24-35-37-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magandang kapalaran ang nasa iyong harapan, ngunit kapag nag-alinlangan ka, masasayang lamang ito at sa iba mapupunta. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-13-23-26-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maiisahan mo ngayon ang taong madalas humingi sa iyo ng pabor. Mas malaki pa sa mga naihingi niya noon ang mapupunta sa iyo nang hindi ninyo inaasahan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-10-19-25-35-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Samantalahin mo ang magandang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-20-27-38-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Limitahan mo ang iyong mga pagkilos. Bawasan ang pagiging agresibo. Sa bawat gagawin mo, pag-isipan mo munang mabuti dahil ang padalus-dalos na pagkilos ay madalas humahantong sa kabiguan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-14-22-32-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madalas sabihin na huwag kang kukurap kung gusto mong magtagumpay sa buhay, ngunit hindi ito angkop sa iyo ngayon. Sa pagkakataong ito, sa bawat pagkurap mo ay mas lalo pang gaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-23-35-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na hindi mo dapat pairalin ang damdamin. Minsan ka nang nagdesisyon na emosyon ang ginamit mo, at iyon ang naging dahilan ng iyong kalungkutan. Ngayon, isip ang pairalin mo sa bawat pagpapasya para magtagumpay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-21-34-36-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang panahon ng iyong mga bituin. Ang mga dati mong pangarap na naudlot ay matutupad na. Kaya mas maganda kung sa bawat katuparan ng isang pangarap ay hindi ka titigil. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-25-28-30-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page