top of page

Horoscope | Agosto 2, 2025 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 2
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 2, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 2, 2025 (Sabado): Gagantihan ng langit ang iyong kabutihang loob. Pagkakalooban ka Niya ng isang ilog na hindi humihinto ang agos – ito ay isang ilog na ang agos ay walang hanggang biyaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mong maging emosyonal. Kapag ang damdamin ang umiiral, posible mong makalimutan ang tamang pangangatuwiran. Muli, huwag kang masyadong maging emosyonal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-9-19-23-38-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kayanin mo ang mga bagay na akala mo ay hindi mo kaya. Sa ganitong paraan, mas liligaya ka dahil kaya mo naman palang gawin ang mga bagay na akala mo’y imposible. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-20-28-34-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Kikislap ang mga pangyayari sa iyong harapan. Ingatan mong maakit ng mga kislap na wala namang pakinabang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-17-24-33-45.


CANCER (June 21-July 22) - Manghiram ka ng kaalaman sa mga taong kumikita. Magpaturo ka sa kanya para umasenso ka rin. At huwag mong ipagdamot ang iyong mga matututunan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-13-22-31-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong patulan ang mahina. Oo, hindi pinapatulan ang mahihina, lalo na ang mga taong mahina umunawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-20-27-38-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdagan mo pa ang pagkilos, nang sa gayun ay hindi masayang ang maraming pakinabang na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-23-30-35-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hirap makatakas ang tao sa yakap ng saya. Pero kapag inisip niya na hindi lang sa saya nabubuhay ang tao, makakawala siya sa nakagapos sa kanya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-21-28-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bawasan mo ang pag-iisip. Kapag sobrang dami ng oras ang inuubos sa kaiisip, humihinto ang katawan at humihina ang kalusugan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-29-33-39-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap man ang mga obligasyon, kailangang gawin at tapusin. Ang tunay na kaligayahan ay nadarama pagkatapos ng mabibigat na gawain. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-20-22-27-32-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong habulin ang oras. Bakit mo papahirapan ang sarili mo gayung puwede namang kumalma? Mangyayari ito kung maaga pa lang ay maghahanda ka na. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-15-24-31-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong ang langit ang magbigay sa iyo ng kaligayahan. Kapag ikaw ang nasunod, tiyak na kalungkutan lang ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-12-25-34-38-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang pilitin ang mga taong mahirap pakiusapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-19-26-36-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page