Horoscope | Agosto 18, 2023 (Biyernes)
- BULGAR
- Aug 18, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 18, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 18, 2023 (Biyernes): Malalaking biyaya ang nakalaan sa iyo, kaya dapat kang maging matatag at matibay nang sa gayun ay hindi ito masayang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Panghawakan mo ang kakayahan mong umangat sa kabila ng mabibigat na problema, dahil ngayon ang nakatakdang araw upang ika’y umangat. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-18-21-27-35-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susubukan ka ng iyong kapalaran, kapag nakita kang seryoso sa mga binanggit mong pangarap, kasing bilis ng kidlat mapapasaiyo ang iyong inaasam-asam. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-21-27-31-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka mahihirapan umasenso, sa totoo lang madalas nasa pag-asenso ka na kaya lang ay nagbabago pa ang iyong isip. Ito ang mahirap para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-21-26-36-43.
CANCER (June 21-July 22) - Katuparan ng mga kahilingan ang magiging bunga kapag nagtanim ka ng kabutihan sa iyong kapwa. Kung lagi kang magtatanim, ang masaganang buhay ay guguhit sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-28-34-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ipamigay kung kani-kanino ang iyong mga gamit. Pumili ka ng mga taong alam mong pahahalagahan ang mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-19-25-29-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magpalakas ka, dahil may darating sa iyo na malaking suwerte. Muli, magpalakas ka! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-14-17-21-24-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo ang iyong sarili lalo na ang iyong damdamin. Tularan mo ang iba na bago kumilos ay pinag-aaralang mabuti ang bawat anggulo ng sitwasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-21-27-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumarami ang laman ng alkansya ‘pag may hinuhulog, at may maaasahan ka sa panahon ng kagipitan kapag sinimulan mo na ang pag-i-impok. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-9-27-33-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Panoorin mo ang mga mahuhusay at magagaling nang sa gayun ay makilala mo sila at kapag dumating ang araw na kailangan mo ang tulad nila, may malalapitan ka agad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-12-19-21-27-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon ang araw mo at iba pang mga araw na darating ay para pa rin sa iyo. Kung sino ang pasasayahin mo, susuwertihin. Samantala, ang kaiinisan mo’y makakaranas ng pangit na kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-16-22-27-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag masaya ka nagkakapera ka. Minsan naman kapag masaya ka gastador ka. Ano kaya ang maganda? Itago mo ang iyong pera at ang pakaisipin mo ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-19-25-31-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagpe-preno ang sasakyan ‘pag may dumaraan. Huminto ka’t mag-isip kapag may mabibigat kang problema. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-25-29-35-43.




Comments