Horoscope | Agosto 17, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 17, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 17, 2026 (Lunes): Dala mo ang suwerte kahit saan ka pumunta. Hindi man aminin ng iba, pero ito ay totoong-totoo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gagana ang mga suwerte mo kapag hindi mo pinansin ang iyong kinaiinisan. Kaya mas maganda, kahit masakit ang iyong tenga, tumahimik ka lang para hindi ka maapektuhan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-20-39-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gusto mo bang magdatingan ang mga bagong suwerte sa buhay mo? Bumili ka ng bagong banga o bagay na gawa sa pinatigas na lupa, tulad ng palayok at iba pa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-14-22-25-30-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Muli mong isuot ang paborito mong damit, kahit luma at hindi na uso. Dahil ito ngayon ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-17-24-31-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit kunwari lang, kumilos ka nang masaya. Dahil ang pananatili sa kalungkutan ay sagabal at puwedeng maging hadlang sa magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-12-19-27-30-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dilaw o yellow ang kulay ng Haring Araw, ito rin ang kulay ng ginto at ng masaganang buhay. Kaya magsuot ka ng dilaw at ihanda ang sarili sa mga biyayang paparating sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-21-23-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masayang kaibigan ang iyong pampasuwerte, pero kailangan mong sumakay sa kanyang mga kuwento kahit ang marami sa mga ito ay hindi naman talaga totoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-22-26-31-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka masaya, iyon mismo ang gawin mo. Kung babalikan mo ang nakaraan tuwing masaya ka, ang mga suwerte ay nag-uunahang magsidapo sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo sa ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-24-27-33-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nag-aalay ang tao para suwertehin. Sa ngayon, ang mismong langit ang mag-aalay sa iyo ng magagandang kapalaran dahil sa mga nagawa mong kabutihan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-20-25-29-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo sa ngayon at medyo mahirap paniwalaan, pero kapag kumain ka ng mga hinog na prutas, ang magagandang bagay ay mapasasakamay mo na! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-16-21-32-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na dadalawin ka ng magagandang kapalaran na may kaugnayan sa materyal na bagay. At ang isa pang mabuting balita, ang anumang materyal na bagay na mapapasaiyo ngayon ay hindi na aalis pa sa iyo. Sa halip, ito ay lalo pang madodoble hanggang sa umunlad nang umunlad ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-12-23-30-34-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masarap makinig sa kuwento ng buhay na alam mo na rin naman. Pero ang maganda rito, sa pakikinig mo sa mga ikinukuwento niya, mararanasan mo rin ang mga iyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-8-18-22-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isuot mo kahit nasa bahay ka lang ang sapatos mong panglakwatsa. Hindi mahalaga kung mag-aalinlangan ka o hindi; ang mahalaga ay magdatingan ang mga suwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-24-29-31-45.



Comments