Horoscope | Agosto 17, 2023 (Huwebes)
- BULGAR
- Aug 17, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 17, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 17, 2023 (Huwebes): Kakambal ng mga pakikibaka mo sa buhay ang tagumpay. Habang patuloy kang nakikipaglaban, ang tagumpay ay mapapasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit nasaan ka, dadalawin ka pa rin ng magandang kapalaran. Ibig sabihin, kahit nasa loob ka ng inyong tahanan, ang mga suwerte ay didikit pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-6-9-15-24-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahalaga ang may plano kaya 'wag kang magpadalus-dalos sa iyong desisyon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-18-27-36-42-45. GEMINI (May 21-June 20) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo, kung kaya’t kukupas din ang salot na nagpapahirap sa iyo. Magkagayunman, isabuhay mo pa rin ang kalinisan na may pag-iingat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-15-18-22-34-40. CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong maliitin ang iyong sarili. May mga humahanga sa magagandang katangian at naghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-23-28-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagkakaroon ang wala at ang mayroon ay nawawalan. Ito ang masayang balita ng iyong kapalaran kaya huwag kang malungkot. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-22-31-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga kaibigan na ‘di mo pa lubusang kakilala. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-19-29-38-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda ro’n ka sasaya. Hindi tama na sakyan mo ang sinasabing kahit hindi maganda ay puwede na sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-18-21-27-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Palakasin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-e-ehersisyo. Nananamlay ang tao kapag ‘di gumagalaw ang kanyang katawan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-28-33-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makibahagi ka sa gumagawa ng paraan para guminhawa at magtagumpay ang kanilang buhay. Ang sama-samang pagkilos ng mga tao ay malaki ang naitutulong upang lalo kang magtagumpay sa larangan ng salapi at pangkabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-21-27-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga taong ayaw makiisa. Iinit lang ang iyong ulo at kapag mainit ang ulo ng tao, humihina ang kanyang depensang natural. Kaya ang mas maganda mong gawin ay ikalma mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-8-17-26-34-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumayaw at kumanta ka. Ito ang pinakamabisang panlaban mo sa lungkot. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-16-29-31-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumikha ka ng tula, awit at musika. Kapag nakalikha ka, ito ang magiging simula ng iyong malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-19-28-32-43.




Comments