top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Horoscope | Agosto 16, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 16, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 16, 2026 (Linggo): Hindi lang isang bansa ang mararating mo, at makakaharap mo pa ang mga suwerte mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling nagbalik ang mayamang imahinasyon mo. Magagamit mo ito para mas lalo ka pang umasenso. Gayunman, iwasan mong magamit ito sa kung anu-anong bagay na walang kinalaman sa pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-24-30-34-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong dayain ang iyong sarili kaya pakinggan mo ang lumang payo na huwag bilangin ang sisiw hanggang hindi pa lumalabas sa itlog. Ito ang mensahe para sa iyo sa ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-26-33-36-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali. Hintayin mo munang mahinog ang bunga, bago mo ito kunin. Ang mga nagmamadali kadalasan ay nanghihinayang at madalas ding nagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-14-20-31-43.


CANCER (June 21-July 22) - Kunin mo ang para sa iyo, at ipaglaban mo ang sa iyo. Huwag mong hayaan na ang mga walang karapatan ay makialam sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-dark green. Tips sa lotto-6-18-27-32-35-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, maging mapagparaya ka, lalo na kung ang pinag-uusapan ay maliliit na bagay lamang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-22-25-39-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magbigay ka para makatanggap ka. Ang nakatutuwa, ang matatanggap mo ay marami at ito ay mga biyaya mula sa langit na sadya at espesyal na ipinadala para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-15-20-36-40-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka dapat maakit ng mga bagay na maganda sa paningin. Pagtuunan mo ng pansin ang kalidad ng isang bagay. Sa madaling salita, isip ang gamitin mo at hindi ang dikta ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-12-19-27-35-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang ibinibigay sa iyo. Saka ka na magpasya kung aangkinin o ipamimigay mo ito. Sa ganitong paraan, mas gaganda at mapapasaiyo ang mga gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-17-21-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagbigyan mo ang humihingi ng karagdagan. Ang tumatawad naman ay iyo ring pagbigyan, dahil ngayon ang panahon ng pagbibigayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-28-30-32-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit hirap ka, wala kang magagawa kundi ang pasayahin ang iyong kapwa. Nakamasid sa iyo ang mata ng langit. Tatanggap ka ng mga biyayang aaliw sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-16-17-24-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na nagdaratingan ang mga suwerte mo. Hindi mo mapapansin na puno na pala ang harapan mo ng naggagandang mga bagay. Tanggap lang nang tanggap dahil ang naggagandang mga bagay na ito ay regalo sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-26-33-39-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Marami ang makakaramdam na sila ang mapalad. Ang hindi nila alam, sa pag-ikot ng gulong ng kapalaran, ikaw ay makikitang sobrang natutuwa dahil ikaw pala ang pinakabuwenas sa lahat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-13-20-23-32-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page