Horoscope | Agosto 16, 2023 (Miyerkules)
- BULGAR
- Aug 16, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 16, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 16, 2023 (Miyerkules): Ipinanganak ka na may kakambal na mayamang imahinasyon. Lahat ng nagtatagumpay ay gumagamit ng imahinasyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Palaguin mo pa ang iyong kabuhayan sa pamamagitan ng mga bagong ideya na naglalabas-masok sa iyong isipan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-8-11-17-20-24-28.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malikot ang iyong isip ngayon, dahil dito maaari kang kumilos na walang anumang pagpaplano. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-21-28-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Simpleng pagkilos ang susi upang makuha mo ang iyong gusto. Ang masalimuot at paliguy-ligoy na paraan ay isang pagsasayang ng mahahalagang araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-7-11-14-16-25.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang laman ng iyong isip, iyon ang mangyayari sa iyo. Iwasan mong mag-isip ng mga negatibo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-26-28-39-43-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Aakalain mong malakas ka at hindi ka basta-basta mapapaniwala, pero mag-ingat ka dahil may mas malakas pa kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-16-29-30-33-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung anu-anong ideya ang maglalaro sa isipan mo. Ito ang mensahe para sa iyo sa ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-18-21-24-33-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mauunahan ka ng karibal mo dahil magiging abala ka sa walang kinalaman sa kung ano ang iyong pinaglalaban. Ito ang babala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-19-25-29-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang para sa iyo, at huwag mong kunin ang hindi nakalaan sa iyo. Kahit pa mapaniwala ka nila na mas maganda ang kapalit nito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-13-16-22-27-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalik ang ibon na nagtampo sa kasuyong ibon. Ihanda mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-24-28-36-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang sama ng iyong loob, ngunit ang kahinaan mo ay muling lilitaw sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-21-26-27-36-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tatangayin ka ng saya at ligaya, maraming bagay ang makakalimutan mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-18-20-29-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malakas ka ngayon, mapapaniwala mo sila sa mga bagay na akala nila'y wala ng solusyon. Nakakagulat, hindi ba? Kung saan kayong dalawa ay magiging isa na lang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-21-27-35-38.



Comments