top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Agosto 16, 2021 (Lunes)

  • BULGAR
  • Aug 16, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 16, 2021


Sa may kaarawan ngayong Agosto 16, 2021 (Lunes): Dadalhin ka ng iyong kapalaran sa malalayong lugar upang personal mong makaharap ang iyong mga suwerte sa buhay. Ito ay isang hiwaga ng kapalaran na tiyak na magaganap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling tumaas ang antas ng iyong pagiging malikhain. Kaya puwedeng maiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal at kakumpitensiya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-20-24-33-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabalita ang araw na ito na magaganap sa buhay mo ang tinatawag na “pagpapalit ng kapalaran”, kung saan ang mga hindi maganda ay aalisin at papalitan ng magaganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-17-24-30-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ka ng mga nasa malayo at malapit. Pareho silang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Panatilihin mo ang matamis na pakikipagrelasyon sa malapit sa iyo, ganundin sa nasa malayo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-26-32-37-42.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magpapatalo sa negatibong pananaw na maglalabas-pasok sa isip mo. Mahirap paniwalaan, pero sa buhay ng isang tao, minsan, dinadaya niya ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-18-22-27-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Baba-taas ang alon sa dagat. Ang kapalaran mo ay ganundin, pero sa ngayon, magtatagal sa matataas na antas ang mga suwerteng nagdaratingan sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-29-30-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang iyong kahusayan sa pagtutuos. Pero hindi sa mga nagawa mong mabuti sa kapwa kundi sa kung malaki o maliit ba ang kikitain mo sa balak mong negosyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-25-26-36-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ikaw ngayon ay makikitang nakatingin sa malayo. Ito ay nagbabalita na nasasagap mo ang nagdaratingan na magagandang kapalaran na para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-27-29-32-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka. May babala na pagtatangkaan kang dayain at isahan ng dating gumawa sa iyo ng hindi maganda. Bawat lalapit sa iyo, balikan mo ang istorya ninyong dalawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-13-17-29-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasa todong lakas ang iyong puwersa. Lakas sa katawan at magagandang kapalaran. Malabong masingitan ka ng mga taong inggit na inggit sa magandang kalagayan mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-11-16-22-26-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung nasaan ang pag-asenso, roon ka dumikit. Ito ang susi para sa maunlad na buhay at kung nasaan ang pangit na kapalaran, layuan mo sila. Sundin mo ang kambal na payo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-18-25-28-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ay makikitang nag-iisip, pero sa tingin lang dahil ang totoo ay wala ka rin namang iniisip. Ito ay nagsasabing pahalagahan mo ang pamamahinga ng isip. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-24-27-30-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Patuloy kang lalaruin ng iyong kapalaran. Sasaya ka at sa pagsasaya mo, magugulat ka dahil ang may dala ng iyong ligaya ay biglang makakaharap mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-7-13-18-20-28.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page