top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Horoscope | Agosto 15, 2023 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 15, 2023


Sa may kaarawan ngayong Agosto 15, 2023 (Martes); Kumikilos ang iyong kapalaran para sa mas ikakaganda ng iyong kalagayan. Sa huli, mapapabilang ka sa mga may masaganang buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka! Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili. Lahat ng tao ay may karapatang lumigaya. Hindi nakakaganda na alipinin ka ng pagmamahal sa materyal na bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-26-36-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdalawang isip sa planong iyong nasimulan na. Ngayon ang pinakamagandang pagkakataon para rito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-15-27-34-36-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Kailangang mawala ang dapat na mawala nang sa gayun ay makapasok ang dapat na pumasok. Wala kang dapat na panghinayangan, dahil mayroon kang dapat na ipagsaya at ito ay paparating na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-18-29-33-37-41.

CANCER (June 21-July 22) - Biglaan ang paglakas ng iyong karisma. Nakakagulat dahil ang mga walang interest sa iyo ay magnanasa na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-26-32-36-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mapupuno ang kaban ng yaman mo kapag nagawa mong bigyan ang mga nangangailangan ng alalay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-24-28-34-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magiging kasangkapan ka ng langit upang ipaliwanag sa kanila ang mga bagay na gumugulo sa kanilang isipan. Bigyan mo siya ng positibong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-18-20-25-28-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit mo hahabulin ang mga umaalis? Sila ay tiyak din namang babalik. Ang nakakatuwa pa rito, sila ay magsisisi dahil maling landas ang kanilang natahak. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-20-26-38-41

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang malapit sa iyo at laging nagsasabi sa iyo ng kanyang mga hinanakit sa buhay, siya ang magiging bahagi ng buhay mo sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-24-30-34-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga taong alam mong may hindi magandang bisyo. Ang pagdikit sa kanila ay magiging kapintasan mo. Mas maganda pa na wala kang kasama. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-16-21-26-32-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Buksan mo ang puso’t damdamin mo sa mga taong handa kang samahan sa paglalakbay at pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-22-25-28-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, ro’n ka! Ito ang laging mangyayari sa iyo. Dahil, ang totoo, hindi ka isinilang para mabuhay sa kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-24-26-31-33-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nahihirapan ka, gumawa ka ng paraan para makatakas. Hawak mo ang iyong kapalaran kaya walang dahilan para magdusa at magtiis ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-29-21-25-27-32.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page