top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Horoscope | Agosto 14, 2026 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 14, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 14, 2026 (Biyernes): Yayaman ka sa pagnenegosyo. Kaya huwag nang mag-atubili pa na simulan ang pagkakaroon ng sariling pagkakakitaan. Ito ang payo ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong guluhin ang sarili mo sa kaiisip sa mga negatibong pananaw. Ang taong pinanahanan ng mga negatibong kaisipan ay malabong umunlad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-29-33-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makinig ka sa palakuwento para may mapulot kang sikreto ng pagpapayaman. Hayaan mo lang at huwag mong kontrahin. Muli, ang payo ay makinig ka lang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-15-23-38-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong sayangin ang kakaibang sigla na iyong madadala. Sa halip, ituon ito sa pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-20-25-30-36.


CANCER (June 21-July 22) - Mabilis na pagbabago ng isip ang biglang mangyayari sa iyo. Kahit ikaw sa sarili mo ay hindi makapaniwala. Magkagayunman, ang lahat ay para sa ikagaganda ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-13-16-21-32-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Daig ng maagap ang masipag. Ito sa ngayon ang mga salitang magdadala sa iyo sa kung saan ay makakaharap mo nang personal ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-25-27-35-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang panigan mo, siya ang susuwertehin, habang ang mga taong ayaw mo naman ay makakaranas ng mga kamalasan. Hawak mo ngayon ang kapalaran ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-9-23-28-30-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, ayon sa kapalaran mo, kung saan ka masaya, roon ka! Huwag kang makinig sa payo ng iba na kahit malungkot ang piliin mo ay kakampihan ka nila. Bihira lang ang kumakampi sa mga taong bigo sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-14-22-34-36-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka sa sarili mo! Dahil may babala na ikaw mismo ang gagawa ng mga bagay na makakasakit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-16-24-31-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kikita ka ng marami kung ipatutupad mo ang noon mo pa naiisip na: “Ang mahalaga ay mabilis maubos ang paninda, kahit pa ang iyong presyo ay mas mababa sa kalakaran.” Iyan ang prinsipyong magpapayaman sa iyo! Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-13-21-25-27-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang tumingin sa pinag-aralan at ang pagtuunan mo ng pansin ay ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-16-27-29-31-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Singbilis ng kidlat ang mga suwerteng dadapo sa iyong kapalaran. Kapag marunong kang magpahalaga at magmahal sa mga suwerte mo, panghabambuhay na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-22-26-32-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran, dahil dadalhin ka nito sa kung saan ay naroroon ang katuparan ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-23-35-37-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page