top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Agosto 14, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 14, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 14, 2023


Sa may kaarawan ngayong Agosto 14, 2023 (Lunes): Tiwala sa sarili ang sikreto ng iyong tagumpay. Kaya ang pag-aalinlangan sa sariling kakayahan ang iyong pinakamahigpit na kalaban.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin mo ang daan ng pakikipagkasundo. Magparaya ka sa ilang bagay! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-29-20-34-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan. Ngayon ang panahon para mas lalong lumago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-1-17-23-24-39-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Bibilis ang iyong pag-asenso kapag nagawa mong makalayo sa mga taong kilala ka lang ‘pag sila ay may kailangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-30-34-41-44.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang matakot magmahal. Makipagsapalaran ka! Hindi makakabuti kung ang takot mo ang siyang maghahari sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-20-35-43-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabalita ang mga araw na ito na malalaking suwerte ang nag-aabang sa iyo, kaya hindi puwede na hindi ka lumakad papasulong sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-25-34-37-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong sayangin ang mga araw kung kailan ay lalago ng todo ang iyong pinagkakakitaan. Labanan mo ang katamaran at huwag ka agad makuntento. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-24-30-33-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malilibang ka sa saya. Kapag nahalata mong nangyayari na, muli mong ibalik ang sarili mo sa kung paano mo mapapakinabangan ang mga taong ayaw umalis sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-31-32-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malakas ka, kaya bakit ka mag-aalala sa mga pagsubok na nasa iyong harapan? Wala kang dapat na ipangamba sa mga taong nagkukunwaring buo ang kanilang loob dahil kayang-kaya mo rin silang gapiin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-17-20-25-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi lang isa ang baitang ng tagumpay. Kaya ‘wag kang huminto kahit na alam mong nasa itaas ka na. Magpatuloy ka hanggang sa lubos mong matupad ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-16-19-23-25-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pasayahin mo ang iyong sarili. Hindi masama kung ibibigay mo sa iyong sarili ang mga nais mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-18-21-26-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakapagod din magsaya. Ito ang magiging laman ng iyong isip. Mamahinga ka, at magugulat ka matapos ang ilang araw ay muli kang sasaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-21-25-30-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka para sa iyong kinabukasan. Ang taong may plano sa buhay ay mas mabilis na yumayaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-24-25-36-39-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page