Horoscope | Agosto 13, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- Aug 13
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 13, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 13, 2026 (Huwebes): Hindi ka dapat mamuhay sa mga negatibong pananaw. Kapag naging positibo ka, ang magandang kapalaran ay tiyak na mapapasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na dapat mong lakasan ang iyong loob. Sumubok ka dahil paparating na ang mga suwerteng nag-aabang sa mga taong may malalakas na loob. Ito ang araw na mangyayari ang mga ambisyon mo at tiyak na matutupad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-15-26-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat magpaapekto sa mga taong sira na ang buhay. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-21-23-39-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Tama ang iniisip mo. Magsuot ka ng pampasuwerte upang mawala ang mga negatibong nasagap ng katawan mo nitong mga nagdaang araw. Mapalad ka sa anumang bagay na metal, lalo na ang antigo o mataas na kalidad na silver. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-27-31-38-44.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi lahat ng makapal at madilim na ulap ay pinagmumulan ng malakas na ulan. Kadalasan sa mga ito ay hangin lang. Oo, hangin lang, at lilipas din ang lahat ng ito tulad ng kinakaharap mong mga problema ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-29-30-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lakasan mo ang loob mo, dahil ito ang susi upang matalo mo ang karuwagan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-20-22-28-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Manghiram ka ng tapang sa mga malapit sa iyo na gumaganda ang buhay. Mapapansin mong hindi sila takot na makipagsapalaran at sila ay dapat mong gayahin. Kung ano ang kaya nila, makakaya mo rin at magugulat ka dahil maaaring mahigitan mo pa sila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-21-33-36-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang magagandang katangian mo dahil ang mga ito ang sandata mo para magkaroon ng masagana at maligayang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-24-29-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdaratingan na ang magagandang kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-23-33-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Taas-baba ang galaw ng kapalaran mo. At sa ilang araw na darating pa, makikita mo, mapapanatag na rin ito at ang buhay mo ay makikitang paangat na nang paangat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-25-28-32-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na muli mong ipaprayoridad ang pagkakaroon ng maraming pera, at ito rin ang araw na mararamdaman mong papunta ka na sa pagyaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-20-22-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag na huwag kang magpapadaya at makikinig sa mga nagsasabing ang materyal na bagay ay hindi mahalaga. Sa katunayan, kapag wala kang materyal na bagay, maiinggit at malulungkot ka. Kaya iplano mo na ngayon kung paano mo mapaparami ang iyong salapi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-15-21-24-39-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na nagbabala ang kapalaran mo na maaaring kang malunod sa saya, kung saan ay makakalimutan mo ang kahalagahan ng paghahanda para sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-13-18-28-30-45.



Comments