Horoscope | Agosto 12, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- Aug 12
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 12, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 12, 2026 (Miyerkules): Paulit-ulit kang iaangat ng iyong kapalaran. Noon pa man, itinalaga ka na para mamuno at mamahala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hinahon ang kailangan sa mga sitwasyong magulo. Mamamagitan ka gamit ang kahinahunan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-10-24-30-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makisakay ka sa mga may sinasabi nila, makikita mo, mapapabilang ka sa kanila, na ang ibig sabihin, aangat ka rin tulad nila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-13-25-29-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Minsan, magandang sumilip sa kung ano ang puwedeng maganap sa hinaharap. Kapag nakasilip ka, pagkakataon mo na iyon upang mapabuti ang iyong kapalaran. Ituloy mo ang mga plano mo sa kasalukuyan para sa ikagaganda ng iyong hinaharap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-14-18-21-27-30.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong opinyon. Ang pakinggan mo ay ang sarili mo na nagsasabing ngayon na ang tamang panahon para kumilos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-16-19-22-31-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaiba ang paraan para suwertehin ka. Sinasabi nito na isama o gawin mong bahagi sa mga plano mo ang inaakala mong walang alam. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-20-23-34-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mag-ingat ka! Ang taksil ay nagmumula sa mga akala mo ay tapat at tunay na kaibigan. Mas maganda na pag-aralan mo ang bawat kilos ng iyong mga nakakasama. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-14-24-28-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang maganda ang trato sa iyo, siya ang piliin mo. Huwag ka nang makipagsapalaran pa sa mga taong hindi mo naman nasusubukan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-21-26-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa tamang landas ka ng iyong buhay. Kaya hindi ka dapat maligaw ng ibang tao na nag-aakalang mas magaling sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-17-25-29-35-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikonsidera mo ang mga payo ng mga nauna sa iyo dahil ang sinasabi nila ay mula sa kanilang karanasan, samantalang ang sinasabi mo naman ay mula lamang sa iyong lakas ng loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-15-22-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ikaw ay nagmula sa ibaba, kaya pahalagahan mo ang iyong pinanggalingan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-13-23-27-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi masamang magtanong, lalo na kung gusto mo lang naman madagdagan ang iyong kaalaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-14-19-28-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran, na nagsasabing ipaubaya mo sa agos ng buhay ang lahat. Kapag sinunod mo ito, agad na mapapasaiyo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-20-24-33-45.



Comments